Ang impeksiy0n ng pantog o urinary bladder ay kadalasang sanhi ng impeksy0n sa bakterya sa loob ng pantog. Ang impeksiy0n sa urinary bladder ay isang uri ng impeksiy0n sa ihi na tinatawag na Urinary Tract Infection o UTI. Ito ay tumutukoy sa isang impeksyon sa pantog, bato, ureters, o urethra.
Mahalagang panatiliing malusog ang iyong pangangatawan kasama na ang bawat bahagi nito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag- alam kung ano ang mga nakabubuting gawin at mga dapat kainin para sa iyong kalusugan.
Alamin kung alin sa iyong mga kinakain ang dapat iwasan lalo na kung mayroon kang urinary bladder infection:
1. Al@k o Alkoh0l
Mahalagang bawasan at iwasan ang pag inom ng al@k dahil nagkakaroon ng posibilidad ang umiinom na magkaroon ng sak!t sa pantog tulad ng UTI. Ang iyong mga kidney ang gumagana sa pag-filter ng mga mapanganib na toxins sa katawan at ang pag-inom ng al@k ay nagpapahirap sa prosesong ito. Ang malakas na pag-inom ng alak ay humahadlang sa mga kidney na mapanatiling hydrated ang katawan.
2. Acidic na mga Prutas
Mahalaga ang pagkain ng mga prutas para sa ating pangkalahatang kalusugan. Ngunit, alam mo ba na hindi maganda para sa iyong pantog ang pagkain ng sobrang acidic na mga prutas? Ang isang bagong pag-aaral ay nagpapakita na ang acidity sa ihi ay maaaring maka-impluwensya sa paglaki ng bakterya sa urinary tract. Iwasan ang sobrang pagkain ng mga prutas na tulad ng pinya, apple, strawberry, lemon at grapes. Maaari mo itong kainin subalit limitado at i-kontrol ang sarili.
3. Kape o Caffeine
Ang pag inom ng kape ay madalas na kasali sa karaniwang gawain pagkagising sa umaga. Kahit na nakabubuti ito para sa ating enerhiya, dapat na iwasan ang pag inom ng sobrang caffeine dahil hindi ito mabuti para sa ating pantog. Ang caffeine ay kilala na nagiging sanhi ng iritasyon sa urinary bladder at nagpapalala ng mga sintomas ng urinary tract infection. Sa isang pag-aaral sa mga taong may pamamaga ng pantog, natagpuan na ang mga tao na uminom ng kape ay nakaranas ng mas malala na sintomas.
4. Maaanghang na Pagkain
Mas napapasarap ang pagkain ng putahe kung mayroon itong maanghang na sawsawan. Ngunit hindi maganda ang epekto ng pagkain ng sobra nito. Katulad ng mga ma- acid na pagkain, ang anghang rin sa mga ito ay nakapagpapalala ng mga sintomas ng sak!t sa pantog pati na rin ng urinary tract infection.
5. Softdrinks o Soda
Ang pag inom ng softdrinks ay talaga namang napagpapalamig ng pakiramdam, ngunit mayroong mga sangkap ito na nakakasama sa iyong kalusugan. Ito ay parehong may acid, caffeine, at maraming asukal. Ang mga Carbonated na inumin tulad ng soda ay dapat iwasan lalo na kung mayroon kayong urinary tract infection.
Comments
Post a Comment