Ang celery ay isa sa mga gulay na napaka-sustansya. Ito ay isang sikat na pagkain para sa mga gustong magpapayat dahil ito ay isang 'negative-calorie food.' Maaari itong kainin bilang isang gulay o kunin ang katas at inumin.
Bukod sa nakakatulong itong magbawas ng timbang, narito ang ilang powerful benefits nito.
1. Pinapanatili ang kalusugan ng bladder at kidney
Para sa mga taong may problema sa kanilang bladder o kidney, ang katas ng celery o celery juice ay napakagandang inumin. Ang paginom ng 1-2 basong celery juice araw-araw ay nakakatulong makapagpaiwas sa pagbuo ng mga kidney stones.
2. Pang-regulate ng presyon
Kasama sa mga health benefits ng celery ang kakayahan nitong mapababa ang mataas na presyon. Ang main component nito na pthalides ay pinapanatiling relaxed ang mga muscles na nakapaligid sa iyong arteries. At dahil dito, magkakaroon ng mas maayos na sirkulasyon ng dug0 sa katawan at mareregulate ang presyon.
3. Pinapatibay ang mga buto
Ang kakulangan ng supply ng calcium sa katawan ay ginagawang marupok ang mga buto at mataas ang tyansa sa pagkabali. Samanatala, ang celery ay may mataas na amount ng calcium na nakakatulong upang ma-regenerate at mapatibay ang mga buto. Mayroon rin itong mataas na amount ng vitamin K na may mahalagang tungkulin sa bone metabolism at pagprotekta laban sa ostere0por0sis.
4. Nakakapag-detoxify
Ang katas ng celery ay epektibo sa pagbalanse ng pH level ng katawan at may kakayahan itong i-neutralize ang acidity. Sa paraang ito, napo-protektahan ang mga cells at binabalanse ang mga esensyal na mineral levels na nakakatulong maiwasan ang pagkakaroon ng sak!t sa puso, implamasyon, pinapalakas ang immune system at nakakatulong ma-maintain ang tamang timbang.
5. Pampa-ihi
Ginagamit na ang celery kahit pa noong unang panahon dahil sa kakayahan nitong natural na pampa-ihi. Para sa mga taong nagmamanas at kailangang mailabas ang excess fluid sa katawan, ang pagkain o paginom ng celery ay makakatulong sa kanila.
Comments
Post a Comment