Kung sino man ay mayroong malaking tiyan o bilbil ay tiyak na pinoproblema niya ito. Ito ay isang karaniwang problema dahil ang pagpapaliit ng tiyan ay hindi ganoon kadali.
Ngunit hindi lahat ng pagkakaroon ng malaking tiyan ay ibig sabihin dahil marami ang iyong kinakain. Minsan kahit gaano pa karaming exercise ang iyong gawin ay naririyan pa rin ang iyong bilbil. Maaaring ito ay dahil hindi ito umuubra sa uri ng iyong belly fat.
Alamin ang mga uri ng belly fat at kung ano ang dapat gawin upang lumiit ito.
1. Stressed Belly
Ang cortisol ay mayroong napakalaking impact sa katawan ng mga tao lalo na sa mga nakakaranas ng matinding stress. Ito ay konektado sa pagdagdag ng timbang dahil hinahayaan nitong magtago ng taba ang katawan. Nakakapagdulot ito ng pagkaengganyong kumain sa mga taong balisa at stressed. Nagkakaroon rin ng stressed belly kapag ikaw ay hindi nagkakaroon ng sapat na tulog.
Solusyon:
Magkaroon ng sapat na pahinga at pagtulog. Siguraduhing matulog ng 8 oras upang umayos ang metabolismo ng katawan. Umiwas sa mga junk food at overeating ng maalat at matatamis na pagkain. Bawasan ang caffeine at kumain ng masustansyang breakfast. Mag-ehersisyo o magmeditate upang maiwasan ang stress.
2. Mommy Belly
Sa mga babaeng kakatapos manganak, ang iyong tiyan ay na-istretch at nagkaroon ng parang pouch. Kahit na ang iyong timbang ay bumalik na sa dati, maaari pa ring manatili ang mommy belly na ito. Ito ay dahil ang mga abdominal muscles ay nagkahiwahiwalay noong ikaw ay nagbubuntis.
Solusyon: Magsagawa ng walking o ehersisyo na nakakapagpatatag ng iyong pelvic muscles. Ipasuri sa doktor kung ang iyong mommy belly ay may kasamang pananak!t ng likod, tiyan, o pelvis.
3. Hormonal Belly
Ang iyong hormone levels ay maaaring makasira sa iyong kagustuhang tanggalin ang sobrang taba sa iyong katawan. Ang pagbabago sa iyong hormones ay nakakaapekto sa iyong tiyan at puson. Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit mas napapakain ka ng mga hindi healthy na pagkain na siyang dahilan ng paglaki ng tiyan.
Solusyon: Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas, beans at gulay. Magsagawa ng mga light exercises tulad ng yoga at walking upang ang iyong stress levels ay bumababa.
4. Bloated Belly
Ang bloated belly ay nararanasan kapag mayroong sobrang gas o hangin sa loob ng tiyan. Ito ay maaaring dahil sa uri ng mga pagkain na iyong kinakain. Mayroong mga pagkain na nakakapagdulot ng sobrang hangin sa tiyan tulad ng mga beans, kamote, broccoli, asparagus, at softdrinks.

Solusyon: Upang maiwasan ito, bawasan ang mga pagkaing nakakapagdulot ng gas sa tiyan. Uminom ng mga probiotics drinks para sa mag maayos na digestion. Kumain din ng mga pagkaing mayaman sa fiber.
5. Alc0h0l Belly
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng tiyan ay dahil sa madalas na paginom ng alc0h0l o b3er. Pinipigilan kasi nito ang kakayahan ng katawan na tunawin ang mga pagkain ng maayos. Ang mga inuming ito ay mataas din sa calories kaya ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng excess fat sa iyong tiyan.
Solusyon: Iwasan ang paginom ng mga alc0h0lic drinks at mas uminom ng maraming tubig, gulay at prutas.

Comments
Post a Comment