Marami sa mga kabataan ngayon ay mayroon na ring sari-sariling mga cellphones. At ang nakakabahala rito ay mas namumulat ng maaga ang kanilang kaisipan tungkol sa napakaraming bagay na madaling makita sa internet.
Ngunit ang paggamit ng cellphone sa mga kabataan ay mayroong nakakabahalang epekto. Hindi man ito agad napapansin, ngunit sa bandang huli ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan. Narito at alamin ang mga masamang epekto ng paggamit ng cellphones sa mga kabataan.
1. Madaling paglabo ng mata
Kung madalas na nakatutok ang mga mata ng mga bata sa screen ng cellphone, tiyak na madaling lalabo ang kanyang mata sa murang edad. Ito ay dahil sa eye strain na nararansan tuwing tinititigan ang liwanag na nagmumula sa gadget at binabasa ang mga maliliit na nakasulat sa screen. Minsan ay dahil rin natutuyo ang mata dahil sa sobrang pagkakamulat.
2. Nae-expose sila sa radiation
Alam naman natin na kahit ang mga maliliit na cellphones ay nag-eemit ng radiation na nakakaapekto sa brain activity at sa mga cells ng katawan. Kung ang radiation ay masama na sa katawan ng isang average na gulang ng isang tao, mas lalo na sa mga bata na mayroong napaka-delicate na pangangatawan.
3. Problema sa pagtulog
Ang mga batang gumagamit ng cellphones tuwing gabi ay may mataas na tiyansang makaranas sila ng problema sa pagtulog o insomnia. Nakakaantala ito sa kanilang regular sleeping pattern dahil hindi na nila namamalayan ang tamang oras ng kanilang pagtulog.
4. Nagiging dependent sila sa kanilang gadget
Kung noon ang mga bata ay naghahanap ng paraan ng mapaglilibangan tulad ng pakikipaglaro sa labas, karamihan sa mga bata naman ngayon ay nakadepende na ang kanilang leisure time sa kanilang mga gadgets. Makikita na imbes na sila ay nakikipaghalubilo sa mga tao ay nakatutok na lamang sila sa kanilang mga cellphones.
5. Problema sa spine
Ang mga buto ng mga bata ay malalambot pa, kaya kung ang isang bata ay palaging nakayuko ang ulo o naka-upo ng hindi diretso dahil sa paggamit ng cellphone, mataas ang tyansa na magkaroon siya ng problema sa kanyang spine, pananak!t ng kanyang batok, o pagsak!t ng kanyang ulo.
6. Napapabayaan ang pag-aaral
Dahil nakakapagbigay ng libangan ang paggamit ng cellphone, ang mga bata ay nawawalan ng oras para makapag-aral. Minsan ito rin ang dahilan kung bakit nawawalan sila ng focus sa pag-aaral dahil abala sila sa paglalaro ng mobile games, pag-iinternet, at pakikipag-chat.
Comments
Post a Comment