Ang green tea ay isa sa mga healthiest beverage dito sa mundo. Itinuturing itong "anti-aging beverage" dahil puno ito ng mga antioxidants at nutrisyon na mainam para sa katawan at isip.
Bukod dito, ang green tea ay ginagamit na sa panggagamot noon pang unang panahon at nag-originate ito sa bansang China. Kumpara sa ibang mga tsaa, ang green tea ay mas maraming healthy benefits dahil mas marami itong taglay na antioxidants at polyphenols na benepisyal sa ating katawan. Sinasabi ng 1-2 tasa ng green tea ang dapat inumin araw-araw upang makuha ang mga benepisyo nito.
Narito at alamin ang importanteng benepisyo ng paginom ng green tea.
1. Pampapayat at pampabawas ng timbang
Isang katangian ng green tea ay ang kakayahan nitong magpabawas ng timbang dahil pinapabilis nito ang metabolismo ng katawan. Ang polyphenol na matatagpuan dito ay pinapataas ang lebel ng fat oxidation upang mas mabilis ang pagsunog ng taba sa katawan.
2. Dyabetis
Ang tsaang ito ay nakakatulong iregulate ang glucose levels sa katawan na nakakapagpabagal sa pagtaas ng blood sugar matapos kumain na nakakapagpalala ng dyabetis. Napipigilan nito ang high insulin spikes na nagreresulta sa fat storage.
3. Pamprotekta laban sa sak!t sa puso
Ayon sa mga scientists, ang green tea ay mabisa sa pagprotekta sa mga linya ng ating mga ugat at pinapanatiling relaxed ang mga ito. Maaari ring protektahan ang katawan laban sa pagbuo ng mga clots na siyang nagdudulot ng atake sa puso.
4. Pinapababa ang kolesterol at presyon
May kakayahan din itong bawasan ang bad cholesterol sa katawan na siyang ring dahilan ng pagtaas ng presyon at pagkakaroon ng mga sak!t sa puso.
5. Panlaban sa pagkasira ng ngipin
Ayon sa mga pag-aaral, ang chemical antixidant na "catechin" sa green tea ay nakakatulong puksain ang mga bakterya at virus na nakakapagdulot ng pagkasira ng ngipin at iba pang imp*ksyon sa lalamunan.
6. Maganda sa balat
Dahil sa taglay nitong mga antioxidants, benepisyal rin ito sa balat sa pamamagitan ng pagbawas ng paglitaw ng mga wrinkles at pre-mature aging. Ang mismong green tea teabag ay mabisa ring panlunas sa balat na nasun-burn. Itapal lamang ito sa apektadong bahagi.
Comments
Post a Comment