Kabilang sa mga rason kung bakit hindi makapunta sa regular na pagkonsulta sa Doktor para malaman ang kalagayan ng kalusugan ay dahil sa maraming mga aktibidad na ginagawa tulad na lamang sa trabaho at maaaring malayo ang lugar ng clinic o hospital. Sa karagdagan, pinoproblema rin ng mga tao ang medyo may kamahalang bayad sa pagpapakonsulta lalo na sa mga pribadong clinic o hospital. Gayunman, maaaring gawin ang simple health test na ito sa inyong bahay gamit lamang ang kutrasara at pagbigay ng isang minutong oras.
Ang isang minutong spoon test na ito ay isang alternatibong paraan upang matulungang malaman ang ilang mga kondisyon sa ating kalusugan. Ayon sa isang Doktor na nagngangalang Dr. Joelene ginagamit ang spoon test para masuri ang kondisyon ng iyong hininga. Dahil ang karaniwang kaso ng bad breath ay kaugnay ng sakit sa gilagid o sira ng ngipin. Ang hindi maipaliwanag na bagsik ng amoy ng hininga ay maaaring maiugnay sa seryosong problema sa ating kalusugan tulad ng diabetes at sakit sa bato.
Basahin ang kabuuan upang malaman kung paano magagawa ang one minute spoon test.
Paalala: Kung susubukan na gawin ang pagsusuring ito ay kinakailangan na hindi pa kumain ng kahit ano mang klase ng pagkain o sa madaling salita walang laman ang tiyan. Katulad rin ng mga karaniwang pagsusuri para sa kalusugan ay iwasang uminom ng tubig bago simulang gawin ito.
Mga kakailanganin na gamit:
-kutsara
-resealable plastic bag
-flash light o table lamp
Bad Breath Test
Una, Kumuha ng malinis na kutsara sa inyong kusina. Ilagay ito sa inyong dila at kuskusin gamit ang likuran ng kutsara.
- Hayaan na mabasa ang kutsara sa inyong laway
- Ilagay ito sa inihandang malinis na transparent resealable plastic bag. - Itapat ito sa isang bagay na nagbibigay ng maliwanag na ilaw tulad ng flash light at table lamp.
- Hayaan ito ng isang minuto. At pagkalipas ng oras suriin ang kutsara at amuyin.
Ang maliwanag o malinis na naiwang bagay na kasing amoy ng laway ay nagreresulta na ikaw ay may malusog na kalusugan. Ngunit kung may makikitang kahit anong kulay ng paste at may hindi kaaya-ayang amoy ay maaaring isang babala na ito sa sinyales ng kondisyon sa inyong kalusugan.
Mga amoy na maihahambing sa uri ng sakit:
1. Mabagsik na maamoy na parang sirang pagkain ay nangangahulugang maaaring may problema sa iyong tiyan o baga.
2. Kung amoy Amonia ang malalanghap, ang ibig sabihin nito ay maaaring bato ang problema sa iyong kalusugan.
3. Kung manamis-namis ang naamoy sa kutsarang iyong ginamit na pagsuri ay kaugnay naman nito ang sakit na diabetes.
4. Samantalang ang kulay puti o dilaw na paste ay tumutukoy sa thyroid operation o pagkasira ng operasyon.
5. Ang puting marka ay nagreresulta ng impeksyon sa respiratory.
6. Purple blotches ito ay maiiugnay o tumutukoy sa mahirap na pagdaloy ng sirkulasyon ng dugo, pulmunya, sakit sa baga o pagtaas ng lebel sa cholesterol.
Ang artikulong ito ay pinaaalalahan na ang spoon test na ito ay maaaring tumugma ang resulta o hindi tungkol sa iyong kalusugan. Kaya naman huwag gamiting pamalit ito sa nararapat na pagkonsulta sa inyong doktor. Upang maiwasan ang mga problema sa pangkalusugan ay kinakailangan ng wastong pag-aalaga sa inyong sarili tulad ng pagkain sa mga gulay, prutas at iba pang nakapagpapanatili ng kaayusan ng kalusugan.
Comments
Post a Comment