Sino ba naman ang ayaw makalanghap ng mabango at sariwang hangin? Kaya naman halos karamihan ay pinagkakagastusan ang mga air freshener, filters, at purifiers para lang makalanghap ng mabango, at sariwang hangin. Idagdag pa ang pagtanggal sa nakontaminadong amoy ng usok ng sigarily0 sa loob ng bahay.
Kaya naman narito ang mga epektibong halaman na makatatanggal ng polusyon sa loob ng bahay. Basahin ang mga ilan sa mga ibinahaging listahan na halaman ng NASA.
1. Boston Fern
Katulad ng mga berdeng gulay ang halaman na ito ay isa rin sa malaking kapaki-pakinabang sa atin. Ang halaman na ito ay may kakayahang malinisan ang hangin sa loob ng ating bahay. Naghahatid ng malamig na paligid at mataas ang kakayahang maalis ang kaalinsanganan. Maiiwasan pa ang diretsong liwanag ng sikat ng araw. Madali lamang itong tumubo at lumaki ngunit kailangan nitong manatiling basa.
2. Bamboo Palm
Maganda ito para sa mga bahay na maraming nakukuhang liwanag mula sa sikat ng araw. Ito rin ang magandang pwesto ng bamboo palm para matanggap ang linawag sa sikat na arw upang manatiling buhay. Bukod sa nakatutulong para sa sariwang hangin nakakadagdag ito sa kagandahan ng kapaligiran sa loob ng bahay.
3. Peace Lily
Madali lamang tumubo ang halaman na ito at tuwing summer ay mas maraming bulaklak ang makikita mula rito. Kinakailangan na ilagay ito sa lugar kung saan hindi direktang nasisinagan ng araw at dapat basa lagi ngunit huwag dapat sumobra. Gayunman, katulad ng ibang uri ng bulaklak ay may kaaya-aya itong maamoy na maari mong palibutan ang inyong kwarto upang maging sariwa ang iyong hangin na malalanghap.
4. Flamingo Lily
Sa kaniyang maliwanag na kulay ay napakagandang idagdag ito bilang disenyo sa inyong bahay na nakapagbibigay ng eliganteng kapaligiran. Bukod sa maganda ito para sa hangin na malalanghap kailangan na panatiliing basa ito at nakatapat sa liwanag.
5. Cornstalk Draceana
Kahit saang lugar maaring ilagay ang halamang cornstalk draceana. Sa maliwanag, direkta sa araw o nakatago ay mabubuhay ito. Kumpara sa mga indoor na halaman ay mababa lamang ang maintenance nito. Huwag lamang sobrahan ang pagdidilig sa halaman.
6. Variegated Snake Plant
Isa ito sa mga pinakapopular na pinipili bilang halaman sa kanilang mga hardin at sa loob ng bahay. Ito rin ay madaling algaan at hindi kailangan ng mahal na paggastos sa pagpapanatiling maganda at buhay nito. Kaya naman pasok na pasok ito para sa inyong listahan upang umaliwalas ang inyong malalnghap na hangin.
7. Barberton Daisy
Napakagandang pagmasdan ang mga bulaklak dahil sa kanilang iba't ibang matitingkad na kulay. Bukod sa nakadaragdag ito ng kagandahan sa ating kabahayan nakatutulong pa ito sa paglinis ng hangin na ating nalalanghap.
Comments
Post a Comment