Ang raw honey ay isang magandang substitute para sa asukal dahil sa natural na sangkap nito. At kahit pa noong sinaunang panahon, ginagamit na ito bilang remedyo dahil sa dami ng health benefits at medisinal na gamit nito.
Karamihan sa mga honey na ibinebenta sa merkado ay dumaan na ng maraming proseso. Kaya naman mas mainam na gamitin ang raw honey upang makatitiyak na walang mga nutrisyong nawala rito sa proseso.
Alamin ang benepisyo ng paginom ng isang kutsarang raw honey araw-araw sa ating katawan.
1. Mayroong antibacterial at antifungal properties
Ayon sa mga research, napatunayan na ang raw honey ay nakakatulong upang puksain ang mga bakterya, fungus at imp*ksyon na maaaring mamuo sa ating katawan. Kaya naman ginagamit itong remedyo sa may mga sipon at ubo.
2. Pantanggal ng makating lalamunan
Ang paginom ng isang kutsarang honey ay nakakatulong upang mapaginhawa ang makating lalamunan o s0re throat. Maaaring inumin ang isang kutsara ng puro o ihalo sa tsaa na may kasamang calamansi o lemon bago pa man lumala ang makating lalamunan.
3. Nakakatulong sa problema sa tiyan o pantunaw
Ang honey ay ginagamit rin na remedyo sa may mga digestive issues tulad ng diarrhea. Napatunayan kasi itong epektibo sa paggamot sa Helicobacter pylori bacteria na siyang nagdudulot ng stomach ulcers.
4. Panggamot sa mga sugat
Ang pagpahid ng raw honey sa mga sugat ay nakakatulong sa mabilis nitong paghilom dahil sa antibacterial properties nito. Ayon sa mga research, mabisa rin ito sa ibang skin conditions tulad ng ps0riasis. Nakakatulong din kasi ito sa pag-nourish ng tissues na nakapalibot sa ating balat.
5. Para sa makating anit at balakubak
Ang honey ay mayroong healing at pH balancing properties na nakakatulong upang maiwasan ang dry scalp at balakubak. Maaari itong gamiting hair mask. Basain lamang ng kaunti ang buhok at gamit ang tinunaw na honey sa tubig imassage ito sa iyong ulo at buhok at hayaang iabsorb ito sa iyong ulo bago hugasan.
Comments
Post a Comment