Mahilig tayo sa mga kainan lalo na kapag may handaan, buffet, o minsan kahit na ikaw ay naiistress lang. Isang paraan upang masatisfy ang cravings ng katawan ay sa pamamagitan ng pagkain. Ngunit minsan, ang akala mo na dahil nagugutom ka pa ay hindi pa sapat ang iyong nakakain. Pero ang totoo, ikaw pala ay nasosobrahan na o nag-o-overeating.
Narito at alamin ang mga masamang epekto ng overeating.
1. Pagdadag ng timbang / unwanted weight gain
Kapag hindi namomonitor ang iyong kinakain, ang tendency nito ay hindi mo na alam kung gaano na karaming kalorya ang iyong nakain. At kapag mas marami ang iyong food intake sa araw-araw, ang resulta nito ay karagdagang timbang.
2. Heartburn
Ang ating tiyan ay nagpo-produce ng hydr0chl0ric acid upang matunaw ang mga pagkain. Ngunit kapag ikaw ay kumain ng marami, ang acid na ito ay maaaring umakyat pataas sa iyong esophagus at magresulta sa heartburn. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mamantika ay mas nakakapagpalala nito.
3. Bloated / kinakabag
Sa bawat paglunok ng pagkain, mayroong hangin na nakakapasok sa iyong digestive tract at nakakapagpa-lobo o nakakapagpa-expand ng tiyan, at ang resulta nito ay pakiramdam na ikaw ay bloated. Hindi komportable ang pakiramdam na ito lalo na't mabigat ito sa pakiramdam. Upang maiwasan ang ovearting ay dahan dahanin lamang ang pagkain at paglunok upang hindi maraming hangin ang makapasok sa tiyan.
4. Bumababa ang iyong enerhiya
Ang pagkain ng sapat ay nakakapagpabalik ng enerhiya. Ngunit ang sobrang pagkain o overeating ay kabaligtaran ang resulta nito. Imbes na mataas ang iyong enerhiya ay mas mararamdamang pagod o inaatok. Ito ay dahil ang dug0 sa iyong katawan ay kinakailangan sa iyong tiyan upang tunawin ang pagkain. Kaya naman kapag naparami ang iyong kinain ay madalas kang antukin.
5. Nag-ooverwork ang iyong mga organs
Sa pagtunaw ng maraming pagkain, kinakailangan ng mga organs ng iyong katawan na doblehin ang kanilang trabaho. At kung ito ay laging nararanasan ng iyong katawan, di kalaunan ay lilitaw ang mga isyung pangkalusugan tulad ng pagbagal ng metabolismo at pagbabago sa iyong mga hormones.
Comments
Post a Comment