Mayroong mga tao na nakakaranas ng pagsak!t na lamang bigla ng nilang malaking daliri sa paa. Ito pala ay dulot ng ingrown. Ang ingrown toenail ay isang masak!t na kondisyon na kung saan ang matulis na gilid na bahagi ng kuko ay bumabaon sa balat.
Kapag naranasan ang kondisyong ito, madalas nagdudulot ito ng pagkirot, pamumula at pamamaga ng malaking daliri sa paa. Kaya narito ang mga remedyong makakatulong upang maiwasan ito.
1. Maligamgam na tubig na may kaunting sabon
Nakakatulog ang pagbabad ng paa sa masabon na maligamgam na tubig dahil napapalambot nito ang cuticle. Ang mainit na tubig ay nakakapagpaginhawa ng pakiramdam. Maaari ring maglagay ng epsom salt sa tubig para sa karagdagang ginahawa.
2. Apple Cider Vinegar
Ang properties ng apple cider na antiseptic at pang-iwas sa implamasyon ay makakatulong sa ingrown na sumasak!t. Ang gawin lamang ay kumuha ng maligamgam na tubig sa palanggana, dagdagan ng 1/4 ng apple cider vinegar. Ibabad ang paa rito sa loob ng 20 minuto at saka patuyuin pagkatapos.
3. Bawang
Ang bawang ay isang natural ant!bi0tic at may kakayahang puksain ang mga namumuong bakterya sa kuko. Sa katunayan, ginagamit din ang bawang upang mapatibay ang mga kuko ngunit nag-iiwan ito ng matapang na amoy. Pero para sa ingrown, dikdikin ang bawang at ihalo sa olive oil. Ipahid ito sa ingrown hanggang sa loob ng 5 araw.
4. Tea Tree Oil
Magpatak ng ilang drops ng tea tree oil sa apektadong kuko. Ang langis na ito ay nakakatulong labanan ang imp*ksyon. Matapos gawin ang foot soak, lagyan ng tea tree oil ang ingrown. Makakatulong rin ito upang mapalambot ang kuko.
5. Vaporub
Napakaraming napag-gagamitan ang vicks vaporub. Bukod sa napupuksa nito ang nail fungus, mabisa rin ito sa mga namamamgang ingrown. Ang menthol at camphor na sangkap nito ay nakakapagpabawas sa pananakit at napapalambot pa ang kuko. Ang gagawin lamang ay ipahid ang vaporub sa ingrown nail at saka ibalot ito ng maliit na bandage o gasa at iwanan sa loob ng 12 oras.
Same lng dn po b s dliri s kamay tong mga png remedyo po?
ReplyDelete