Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.
Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kaniyang upuan.
Ang pangyayaring ito ay naganap sa bansang US. Nagsagawa naman ng sariling pag-aaral ang mga fire department sa Oklahoma at nalaman nilang mataas ang tiyansang pagmulan ito ng sunog. Kaya naman huwag ng subukan pang maglagay o magiwan ng mga water bottle sa inyong sasakyan upang maiwasan ang insidente. Huwag hayaang mababad sa sikat ng araw ang mga ito.
Bakit nga ba maaaring itong pagmulan ng sunog?
Kapag ang tubig na nasa loob ng plastic na bote ay diretsong nasisinagan ng sikat ng araw ay nagkakaroon ng kemikal na reaction tulad na lamang sa magnifying glass na kapag nafocus ang sinag ng araw ay umiit ito hanggang sa magkaroon ng pag-apoy. Upang maiwasan ang ganitong insidente ay bigyan ito kaukulang pansin at pag-iingat. Idagdag na rin ang paglilinis at pagtapon ng iba pang mga plastic sa loob ng inyong sasakyan na maaaring mapagmulan ng sunog.
thank you for sharing...to save more lfe
ReplyDeleteTnx for sharing
ReplyDeleteWala namang concrete na info kahit isa, and even search it online walang ganitong incident. Though tumataas talaga ang Dioxin level ng water na naarawan, and thus cancerous. Even the pictures kinuha lang sa internet. Saka paano nangyaring nakikita na nung binabanggit sa article na nakita na nyang umuusok. E di the best thing to do is get it and throw it, kung nasa loob ka ng kotse, hindi mo papayagang umabot pa sa mag-apoy yung kotse mo. What a hoax and bad writer
ReplyDelete