Isang Uri ng Langgam na may Honey-Like na Likido, Kinakain ng Ibang mga Lokal Dahil sa Taglay na Katas Nito!
Tinuturing natin ang mga langgam bilang mga peste sa tahanan dahil sa hirap nitong puksain kahit ano pang gamit nating pang-puksa. Lalo na ang mga langgam na kulay pula dahil masakit at makati ito kapag tayo ay kinagat.
Subalit kahit na nakakainis ang mga insektong ito, alam niyo ba na may maganda palang benepisyo ang maidudulot ng isang uri ng langgam?
Ayon sa North American Natives, nadiskubre nila ang karagdagang benepisyo ng langgam sa ating kalusugan sa pagkain natin rito. Ang uri ng langgam na ito ay tinatawag na "Honey Pot Ants" kung saan kulang ginto ang katawan nito.
Nadiskubrehan ito ng isang lalaki nang siya ay pumasok sa isang kweba. Napansin niya ang mga maliliit na gumagapang sa pader ng kweba at nang lapitan niya ito ay namangha siya sa kulay ng mga insektong ito. Nakita niya na kulay ginto ang mga ito at may bilog na likidong nakadikit sa kanilang mga likod.
Ayon sa mga eksperto, ang bilog na naglalamang likido sa kanilang katawan ay siyang tinatawag nilang "storage"para sa kanilang mga kinakaing pagkain. Ang nature ng mga langgam na ito ay kakain sila ng napakarami at mapupuno ito sa kanilang likuran kung saan maaaring ma-store at pwedeng magamit kung kinakailangan.
Subalit ang "worker ants" lamang ang kumakain ng pagkain habang ang maliliit na mga langgam ay siyang kumukuha ng pagkain mula sa katawan ng mga "worker ants" na ito.
Ang katas na nagmumula sa tiyan ng langgam ay naglalaman ng glucose, sucrose, at fructose. Kaya naman sa mataas na nilalaman na asukal nito ay may lasa itong matamis na kasing tulad ng honey.
Ang kasaganahan ng langgam na ito ay makakakita sa parteng norte ng America at Australia kung saan ang ibang local na mga tao ay sanay sa mga ganitong klaseng langgam.
Ayon sa iba, ang ilan sakanila ay kinakain ang mga ganitong klaseng langgam. Iniinom nila ang katas mula sa langgam na ito dahil mayroong paniniwala na healthy ang laman ng kanilang likido na nakakatulong sa ibang karamdaman.
Comments
Post a Comment