Talagang hindi komportable sa pakiramdam ang pagkakaroon ng makating lalamunan. Bukod sa pagkairita ng iyong throat o lalamunan ay hindi pa mapipigilan ang pag-ubo at pag-garalgal ng iyong boses.
Kaya bago pa man lumala ang kondisyon iyong makating lalamunan ay makakabuting maagapan na ito sa lalong madaling panahon. At kung ayaw mo namang uminom ng gam0t ay mayroon namang natural at mabilis na paraan upang ito ay malunasan. Narito at alamin.
1. Citrus fruits tulad ng kalamansi at lemon
Noon pa man ay ginagamit na nang mga matatanda ang kalamansi juice para sa mga nakakaranas ng pag-ubo at makating lalamunan. Kinukuha ang katas nito at inihahalo sa maligamgam na tubig. Maaaring lagyan ng kaunting honey para sa panlasa. Ito ay siksik sa vitamin C na nakakatulong upang palakasin ang resistensya ng katawan.
2. Maligamgam na tubig at asin
Mabisa ang paghalo ng asin sa maligamgam na tubig at saka gamitin itong pang-gargle sa umaga. Nakakatulong kasi ang asin upang paluwagin ang mucus at i-flush out ang mga bakterya at mga nagpapa-irita sa iyong lalamunan. Ihalo lamang ang kalahating kutsarita ng asin sa isang tasang maligamgam na tubig. Ihalong mabuti at imumog sa bibig.
3. Honey
Ang honey ay isang natural na cough suppresant na isang mabisang home remedy para sa mayroong makating lalamunan. Ang paginom ng tea o warm lemon na may halong honey ay magandang remedyo upang guminhawa ang pakiramdam sa sore throat lalo na sa gabi.
4. Paglanghap ng steam
Isang dahilan ng pagkakaroon ng makating lalamunan ay dahil nanunuyo ito At kung ito ay nangyari, naiirita ang iyong lalamunan kaya nakakapagdulot ng pag-ubo. Sa ilan ay gumagamit sila ng humidifier upang mapanatiling moist ang paligid lalo na kung ikaw ay palaging naka-aircon. Ngunit kung wala ka namang budget pambili nito ay maaari ka nalang lumanghap ng steam sa isang palangganang may kumukulong tubig at saka takpan ang iyong ulo. Maaari itong lagyan ng essential oil tulad ng eucalyptus o peppermint para sa mas maginhawang paghinga.
5. Pagsipsip ng bawang
Hindi mo aakalain na ang pagsipsip ng bawang na parang kendi ay isang mabisang paraan upang mapaginhawa ang pakiramdam ng makating lalamunan. Ito ay dahil sa taglay nitong kem!kal na allicin na nakakatulong puksain ang mga bakteryang nakakapag-pairita ng iyong lalamunan. Magbukas ng bagong clove ng bawang at saka hiwain sa kalahati ang isang butil. Sipsipin ito ngunit iwasang kagatin.
Comments
Post a Comment