Skip to main content

Limang Halaman na Maaaring Itanim sa Inyong Bakuran Upang Mataboy ang mga Lamok




Nalalapit nanaman ang panahon ng tag-ulan na kung saan mas dumarami ang mga pesteng lamok na nakapagdudulot ng pagkakasak!t. Sa mga panahong ito mas dumarami ang mga kaso ng dengue. Kaya naman alamin natin kung ano ang makatutulong sa atin upang mataboy ang mga pesteng lamok nang sa gayon hindi na makapaghatid ng kapahamakan sa atin.

Alam niyo ba na mayroong mga halaman na nakakatulong na makapagpataboy ng mga lamok? Hindi mo na kinakailangan ng insect repellant dahil ang mga halaman na ito ay mabango at pang iwas sa lamok.

Ito ang Limang halaman panlaban sa lamok:

1. Citronella



Ito ay isang halaman na napaka-popular sa pagtataboy ng mga lamok. Maaari itong itanim sa harap ng bakuran. Kasing wangis rin ito ng damo na may kaugnayan sa lemongrass o tanglad. Ngunit ang pagkaibahan ng mga ito ay hindi katulad ng tanglad na nakakain dahil ang ang halamang citronella ay may hindi kanais-nais na lasa. Gayunman ang taglay na tapang ng amoy nito ay ginagamit upang mataboy ang mga lamok. Bukod sa pagtanim nito sa bakuran ang langis na mula sa halaman ay maaaring ipahid sa balat nangsagayon maiwasang makagat ng lamok.




2. Lemon Balm



Ang halamang ito ay kabilang sa pamilya ng mint na nagtataglay ng banayad na amoy ng isang lemon. Ginagamit rin ito sa paggawa ng mga medecina na nakatutulong sa paglunas ng ilang uri ng mga karamdaman. Kung gagamitin naman ito sa pagtataboy sa mga lamok mas mabisang ipahid ang dahong ito sa inyong balat. Gayunman ang halamang ito ay hindi lamang maghahatid ng pangprotekta laban sa mga lamok nakakaragdag din ito sa attraction na nakatanim sa inyong bakuran.

3. Basil


Kilala rin sa tawag na Saint Joseph Wort ang halamang basil na isang herbal na kasama sa pamilya ng mint. Ginagamit rin ito sa pagluluto at may maraing benepisyong tinataglay. Bukod sa mga ito mabisang halaman ito na pantaboy sa mga pinoproblemang mga lamok. Kaya naman itamin na ito o ilagay sa mga parte na pinagbabahayan ng mga lamok sa bahay. Para sa mas pinaka-epektibong pamamaraan, ipahid ang dahon sa inyong balat. Ang ipinahid na dahon ay maaari pang gamitin na pabango sa inyong bahay.



4. Mint



Isa ang mint sa mga kilalang herbal na ginagamit o dinadagdag na sangkap sa mga produktong pampaganda, toothpaste at candy. Ang halaman na ito ay kapaki-pakinabang hilaw man o tuyot. Madali lamang itong pangalagaan upang mapalabong. Bukod sa pantaboy ito sa mga lamok nakapagbibigay rin ito karagdagang kagandahan sa iyong bahay na maaari bilang isang indoor plant.

5. Rosemary


Isa ang halamang rosemary sa maaaring gamiting panaboy sa mga lamok. Gayunman sagot rin ito sa pagtaboy ng mga langaw. Madalas itong gamiting isa sa mga sangkap sa mga lutuin, maganda rin ang rosemary upang mawala ang mga insekto tuwing tag ulan.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...