Ang bawat buntis ay may kanya-kanyang napagdaraanang karanasan bago nila maisilang ang kanilang sanggol. At bawat babae ay may kakaibang pregnancy experience na maaaring naranasan mo, ngunit hindi naranasan ng iba.
Katulad na lamang ng health issue tungkol sa labis na pangangati ng tiyan ng mga buntis. Karaniwan, nararanasan ito ng karamihan sa mga buntis. At ito ang mga dahilan:
- Nahahatak at pag-expand ng iyong balat
- Pagbabago sa iyong hormones
- Dry skin
- Pagdevelop ng stretch marks
- Pagdami ng supply ng dugo sa balat
Samantala, upang mabawasan at maiwasan ang labis na pangangati, narito ang mga home remedies na maaari mong subukan.
1. Maglagay ng gentle o mild moisturizer
Ang panunuyo ng balat ay isang dahilan kung bakit ito makati. Upang maiwasan ang panunuyo ng balat sa iyong tiyan at buong katawan, maaaring magpahid ng gentle moisturizer upang maibalik ang moisture sa iyong balat.
2. Oatmeal bath
Ang oatmeal ay nakakatulong rin upang maibsan ang pangangati at panunuyo ng balat. Ang gagawin lamang ay ibababad ang iyong katawan sa isang tub na mayroong oatmeal. Maaari rin namang maglagay ng oatmeal sa isang manipis na cloth, at ipahid ito sa katawan. Siguraduhin lamang na damp o medyo basa ang balat.
3. Aloe vera gel
Ang gel ng aloe vera ay isa nang matagal na remedyo para sa makating balat. Ito kasi ay mayroong soothing properties na nakakatulong bawasan ang pangangati. Dahil ito rin ay natural at walang halong kemikal, mainam itong iapply sa makating tiyan sa mga buntis.
4. Vitamin E oil
Ang vitamin E oil ay isang nutrient at antioxidant na nakakatulong upang ma-rejuvenate ang iyong balat. Ito ay nakakatulong upang palambutin ang iyong balat at bawasan ang paglitaw ng mga stretchmarks. Pisain lamang ang isang kapsula ng vitamin e oil at ipahid sa makating tiyan.
5. Coconut oil
Ang coconut oil ay mayroong anti-inflammatory properties na nakakatulong upang maiwasan ang pangangati ng balat. Mabisa rin itong gamitin bilang moisturizer at pampakinis ng balat. Mas maganda kung organic coconut oil ang gamitin at dahan-dahan itong i-massage gabi-gabi sa iyong tiyan bago matulog.
6. Huwag kakamutin
Kahit gaano pa kakati ang iyong tiyan, iwasang kamutin ito ng kamutin. Dahil sa huli ikaw rin ang magsisisi. Dahil hindi lamang ito masusugat, mas lilitaw at magiging visible pa ang iyong stretch marks pagkatapos mong manganak.
Comments
Post a Comment