Malaki ang ginagampanang papel ng mga hormones sa ating katawan dahil sila ang may kontrol ng ating pakiramdam maging ng tamang paggawa ng ating mga organs. Kaya naman ang pagkakaroon ng kondisyon na tinatawag na hormonal imbalance ay maaring magdulot sa atin ng sobrang tigyawat, pagsama ng pakiramdam o di kaya naman ay paghina ng ating mga organs. Kadalasan mangyari ang bagay na ito sa mga kababaihan at nagdudulot para sila ay hindi magkaroon ng supling.
Sa artikulong ito ay iisa-isahin natin ang ilang mga pagkain na dapat kainan at iwasan para pigilan ang pagkakaroon ng hormonal imbalance.
Mga pagkain na dapat kainin:
1. Yogurt
Ang mga fermented na pagkain kagaya ng yogurt ay makakatulong upang mapanatiling balanse ang ating hormone level. Nakakatulong din ito upang lumakas ang ating mga buto at maayos na pagproseso ng ating pagkain.
2. Gulay
Ang mga gulay tulad ng mga fiber rich vegetables ay sadyang nakakapagbigay sa atin ng magandang kalusugan. Ngunit kung nais mong panatilihing balanse ang iyong hormones ay piliin mo ang mga gulay na mayaman sa antioxidants kagaya na lamang ng broccoli at spinach.
3. Isda
Ugaliing kumain ng mga isda na mayaman sa Omega-3 fatty acids kagaya na lamang ng tuna at salmon. Maliban sa pagbabalanse ng inyong hormones ay makatutulong rin ito upang maiwasan ang iba pang malalang sakit kagaya ng hypertension at depression.
4. Avocado
Isa rin ang avocado na makakatulong sa mga babaeng nakakaranas ng hormonal imbalance dahil mayroon itong healthy fats at mataas ito sa fiber, magnesium at potassium.
Mga pagkain na dapat iwasan upang hindi makaranas ng imbalance:
1. Matatamis na pagkain
Ang pagtaas ng ating sugar level ay nakakabahala dahil maliban sa pagkakaroon ng sakit na diabetes ay nagiging dahilan din ito para hind maging balanse ang ating hormone level.
2. Alak
Ang pag-inom ng alak o mga inuming mataas ang alcoh0l ay hindi nakabubuti sa ating kalusugan dahil nagdudulot ito para ma-dehydrate ang ating katawan. Ang sobrang pag-inom rin ng alak ay sumisira sa normal na hormone level at nagdudulot rin ng paghina ng ating mga organs.
3. Kape
Ang sobrang pag-inom ng kape lalo na sa mga babaeng nasa menopausal stage ay ipinagbabawal dahil maari itong magdulot ng hypertension. Ito rin ang dahilan kung bakit mas lalong bumababa ang hormone level ng mga babaeng nakakaranas ng menopause.
Comments
Post a Comment