Sumakabilang Buhay ang Batang Ito Matapos Gumamit ng Isang Klase ng Toothpaste na Kung Saan Siya Pala ay Allergic!
Ang pagkakaroon ng allergy sa ilang mga bagay at pagkain ay dapat huwag ipagsawalang bahala. Bigyan ng karagdagang pag-iingat upang maging maayos ang inyong kalusugan lalo sa mga Ina na lahat ay gagawin upang maprotektahan lamang ang kanilang mga anak. Ngunit kung minsan hindi maiwasan na maging komportable sa ilang mga bagay at hindi na sinasaliksik ang mga ito.
Tulad na lamang sa isang Ina na nakatira sa California kung saan pumanaw ang kaniyang anak dahil sa kaniyang allergy. Kaya naman nagbigay siya ng babala sa mga katulad niyang Ina na magbigay ng karagdagang pag-iingat at attention pagdating sa allergy ng kanilang anak.
Hindi inaasahan ng isang Ina na si Monique Altamirano na mayroong masamang mangyayari sa kanyang anak dahil lamang sa paggamit niya sa isang brand ng toothpaste.
Nagulat siya ng mapagalaman na naglalaman ng sangkap na Recaldent ang toothpaste na kung saan isa ito sa protina ng gatas.
Ayon kay Monique nadiskubrehan ang allergy ng kaniyang anak na si Denise Saldate noong isang taong gulang pa lamang siya. Kaya naman sa kanilang nalaman ay agad na nagdoble sa pag-ingat ang kanilang pamilya na ang lahat ay nakabubuti para sa kaligtasan ni Denise.
Noong ika-apat ng Abril nagpunta sila ng kaniyang Ina sa isang Dentist upang matignan ang kaniyang mga ngipin. At doon pinayuhan si Denise na gumamit ng isang uri ng toothpaste na nagngangalang MI Paste One upang matulungang mapatibay ang enamel ng kaniyang ngipin.
Hindi pumasok sa isipan ng kaniyang Ina na kung naglalaman ba ng sangkap na gatas ang toothpaste na inirekomenda para sa kaniya. Kaya naman pinayagan niya ang anak na gamitin ito ng hindi man lang tinitignan ang mga sangkap na nakapahayag mula sa produkto. Ngunit ang produktong ito ay naglalaman pala ng sangkap na gatas.
Nang magamit ng anak ang toothpaste ay sinabi niya sa kaniyang Ina na baka allergic ito sa toothpaste dahil ang kaniyang labi ay biglang nagiba ng kulay na kung saan ito ay naging kulay asul. Kaya mabilis na ipinahiga siya sa kama at tumawag ng tulong sa 911.
Habang hinihintay ang pagdating ng mga paramedic ay ginawa niya ang CPR sa kaniyang anak. Pagdating ng ambulansya ay mabilis na isinakay siya rito ngunit bago pa makarating sa hospital ay pumanaw na ang Labing isang taong gulang na bata.
Makalipas ang masak!t na pangyayari ay nagbigay ng babala si Monique sa lahat ng mga magulang na maging maingat at basahin ang lahat ng label ng mga pagkain or gamitl. Huwag maging kampante, mahiya at maging mitikoloso sa lahat ng bagay. Lalo na kung para ito sa kaligtasan ng inyong anak.
Comments
Post a Comment