Sino nga naman ang hindi makakatanggi sa mga pagkain sa mga fastfoods? Nariyan na ang burger, fries, pizza, softdrinks at kung ano-ano pa. Unang langhap pa lang ay talagang katakam-takam na ang mga pagkain dito. Ngunit kahit na pa dumarami ng dumarami ang mga fastfoods ngayon, hindi rin maganda ang labis na pagkain sa mga ito dahil ang mga pagkain dito ay hindi naman healthy at nagdudulot ng masamang epekto sa ating katawan. Narito at alamin kung ano-ano ang mga masasamang epekto nito. 1. Nakakataas ng blood sugar Karamihan sa mga fastfoods ay nag-offer ng softdrinks o di kaya ay mga juice sa kanilang mga meals. At nakaka-satisfy nga naman uminom ng malamig na inumin matapos kumain ng napakarasap na pagkain. Ngunit tandaan na ang mga pagkain at inumin sa fastfood ay mataas sa carbohydrates at mababa sa fiber. Kaya kapag natunaw ang mga ganitong pagkain, ang mga carbohydrates ay nare-release bilang glucose o sugar sa ating dugo an siyang nakakapagpataas ng bl...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.