Dahil sa makabagong teknolohiya madali nating malaman ang mga impormasyon na gusto nating malaman gamit lamang ang internet. Kaya naman marami ang nagseself-medicate sa kanilang sarili kung saan ibinabase nila ang kanilang nararamdaman at iniinom na mga gamot na nababasa sa google. Ngunit hindi natin alam na sa kaugaliang ito ay napapasama ang ating kalusugan. Lalo na kung tungkol sa paginom ng gamot na antibiotic na walang reseta na mula sa doktor.
Magkatulad ang bansang US at Pilipinas sa naghihigpit ng pagbenta ng mga antibiotics. Kung walang reseta ng doktor ay hindi nito makakabili kahit saang botika. Bakit nga ba ipinagbabawal ito? Alamin ang dahilan kung bakit.
Ito ang mga dahilan at epekto ng antibiotic na hindi ikinokonsulta sa doktor:
1. Maaaring mauwi sa antibiotic resistant
Ayon sa mga dalubhasa ang niresetang antibiotic ay kinakailangang ubusin at tiyaking iinumin sa tamang oras upang mapuksa ang mga bakteryang nagdudulot ng impeksyon. Dahil kung magkakaroon ng tira sa iniresetang antibiotic, ang bakterya ay hindi mawawala bagkus maaari itong maging immune at resistant sa antibiotic. At hindi na basta lamang mapupuksa ng antibiotic ang bakterya dahil maaaring mas lumakas pa ito na umaabot pa sa puntong malilimitahan ang abilidad ng katawan na labanan ang impeksyon.
2. Maling pag-inom antibiotic ay may kaakibat na side effect
Napakahalagang magpakonsulta sa doktor bago uminom ng kahit anong uri ng antibiotic dahil maaaring ang ininom na gamot ay hindi naayon sa impeksyon na nararanasan. Ang bawat impeksyon ay may angkop na uri ng antibiotic na nararapat inumin. May mga karamdaman na hindi magagamot ng antibiotic kung ang dahilan ay isang virus at hindi impeksyon. Bukod rito ang pag-inom nito ng walang reseta ay may kaakibat na hindi magandang epekto sa kalusugan lalo na kung maling gamot ito at mali ang pag-inom nito.
3. Maaaring hindi na eepekto ang mga natira o natabing antibiotic
Ang mga tabletas na antibiotic ay katulad lang ng likido na madaling magexpired kung ito ay hindi nailalagay sa tamang lugar. Kung ang mga likido na para sa bata ay kinakailangan na ilagay sa ref o agad inumin upang umepekto, ang tabletas naman ay nawawala ang kalidad ng epekto nito kung tinatago sa mainit, malamig o madalas na mabasang lugar. Kaya naman huwag dapat magtira ng antibiotic sa inireseta sa iyo ng doktor. Bagkus itapon na ito agad kung mayroong sobra.
4. Expired at walang epekto ang mga antibiotic na nabibili sa online ay delikado sa kalusugan at maaaring maging dahilan ng pagpanaw ng isang tao na iinom nito
Sa panahon ngayon ay madali na lamang mamili ng mga gamit, pagkain, o ano pang mga kailangan sa online dahil sa mas pinabilis at pinalakas na teknolohiya. Madalas pati ang antibiotic ay mabilis lang na mabibili. Ngunit ang gawaing ito ay hindi nakabubuti para sa iyong kalusugan. Dahil ang mga ito ay walang katiyakang kalidad, hindi epektibo, at maaaring expired na. Baka ang akala mong lunas ay siya palang magdudulot sa iyo sa kapahamakan. Kaya naman magpakonsulta sa doktor bago uminom ng kahit anong uri ng antibiotic upang mabigyan ng tamang dosage, angkop sa impeksyon na kailangang gamutin at sa ikakabuti ng kalusugan.
Comments
Post a Comment