Kapag sinabing "kape" ang unang pumapasok sa isip natin ay inuming pampagising. Napakaraming taong mahilig sa kape, minsan hindi lamang isang beses sa isang araw sila uminom nito.
Ngunit bukod sa pag-inom nito, alam niyo ba na mayroon pa pala itong pwedeng paggamitan? At ang ilan sa mga ito ay hindi niyo pa nalalaman at nasusubukan. Kaya naman narito at inyong alamin!
1. Body scrub
Ang kape ay magandang natural skin exfoliator dahil tinutulungan nito ang balat na alisin ang mga makakapal na balat at d**d skin cells. Maaaring magprepare ng iyong sariling coffee body scrub sa pamamagitan ng paghalo ng bago o gamit na ground coffee beans at kaunting olive oil. Pwede itong gamitin sa parte ng iyong katawan na nais mong iexfoliate. Iwanan ng 15 minuto bago hugasan.
2. Face exfoliator
Hindi lamang ito pwede sa katawan kundi maging sa mukha ay maaari rin itong gamiting pang facial scrub dahil ito ay natural at walang halong kemikal.
3. Face mask
Ang kape ay mayaman sa natural antioxidants kung kaya't nakakatanggal ito ng toxins sa katawan, iniimprove ang kondisyon ng balat at mayroong ding anti-wrinkle effect. Maaaring ipahid at ispread ng mabuti ang pinaggamitang ground coffee sa iyong mukha upang ito ay medyo moist pa. Iwanan ng 20 minuto saka banlawan.
4. Pang hair treatment
Ang kape ay nakakatulong magpalambot ng frizzy hair at nakakapagpadagdag ng kinang nito. Upang gamitin ito bilang isang hair care product, magpakulo lamang ng ground coffee na tama lang ang amount para ilagay sa buhok. Palamigin ng kaunti at pagkatapos ay pwede na itong ilagay sa ulo. Imassage ang iyong anit gamit ang circular motions. Iwanan sa loob ng 20 minuto bago banlawan.
5. Pantanggal ng masangsang na amoy sa kamay
Talaga namang napakabango ng aroma ng kape. At kapag ang iyong kamay ay mayroong nahawakan na masangsang o matapang na amoy tulad ng bawang o sibuyas, ay maaaring tanggalin ang amoy nito sa pamamagitan ng pag-rub ng coffee grounds sa iyong kamay at saka hugasan. Mas epektibo pa ito sa sabon!
Comments
Post a Comment