Lahat tayo ay naghahangad ng healthy na katawan at malayo sa sak!t. At isang paraan upang ma-achieve ito ay pagkakaroon ng healthy lifestyle at tamang diyeta.
Napakarami ng uri ng mga diyeta ngayon na sinasabing nakakapagpapayat nga, ngunit para sa isang tao na hindi alam paano magsisimula ay maaaring hindi mo alam kung ano ang iyong pipiliin para ikaw ay pumayat.
Kaya naman narito ang 5 diet challenges na dapat subukan ng karamihan.
1. No to junk food challenge
Tiyak na marami sa inyo ang mahilig sa chitchirya at fastfoods. Ngunit kahit alam natin na hindi ito healthy ay patuloy pa rin nating kinakain. Kaya naman kung nais mong pumayat ay dapat mo itong iwasan. Kalimutan muna sa loob ng isang buwan ang pagkain sa mga pizza, burger, softdrinks, chichirya at kung anu-ano pang mga junkfoods. At ang iyong kainin muna ay mga healthy na pagkain tulad ng prutas at gulay.
2. Sugar diet challenge
Nais mo bang makaiwas sa dyabetis at pagtaba? Tiyak na dapat mong subukan ang no sugar diet na ito. Iwasan muna sa loob ng 10 araw ang pagkain at paginom ng mga matatamis na pagkain o inumin tulad ng cake, ice cream, doughnuts, artificial fruit juices, at softdrinks.
3. No meat challenge
Subukan na huwag munang kumain ng karne tulad ng baboy sa loob ng 1 linggo at tiyak na mag-iimprove ang iyong kalusugan. Kumain muna ng mga pagkain na tulad ng gulay, prutas, whole grains, nuts at mga pagkaing mababa sa kalorya. Ayon sa mga research, ang pagbabawas sa pagkain ng karne ay nakakatulong sa pagkontrol ng timbang at pinoprotektahan ang ating katawan laban sa mga sak!t tulad ng sak!t sa puso, diabetes at k*nser.
4. Fruit and veggie detox
Ayon sa mga pag-aaral, dapat ay dine-detox natin ang ating katawan at least isang beses sa isang buwan. Dahil nakakatulong ito upang mailabas ang mga toxins sa atin katawan. Para magawa ang challenge na ito, kailangan ay puro gulay at prutas lamang ang iyong kakainin sa loob ng isang linggo. Tiyak na mas magiging magaan ang iyong pakiramdam dahil ang mga pagkaing ito ay mayaman rin sa fiber.
5. After 6pm diet challenge
Tiyak marami na ang nakakaalam sa challenge na ito. Ito ay ang after 6pm diet na kung saan hindi ka na dapat kakain ng anumang pagkain pagpatak ng 6:00 ng gabi. Dahil ang pagkain ng late sa gabi ay nakakapagpadagdag ng timbang lalo na't hindi na madidigest ng mabuti ng iyong tiyan ang pagkain.
Comments
Post a Comment