Skip to main content

Sampung Paraan Upang Mapanatili ang Normal na Level ng Ating Blood Pressure






Ang presyon ng dugo o blood pressure (BP) sa ingles, ay ang pwersa ng daloy ng dugo sa loob ng mga ugat. Isa ito sa mga unang kinukuha sa mga pasyenteng dumadalaw sa mga klinika dahil kapag ito ay hindi normal, maaaring indikasyon ito ng iba’t-ibang karamdaman. Ang normal na lebel nito sa mga taong nasa wastong edad ay 120/80 mmHg, ang alin mang pagtaas o pagbaba mula sa mga numero ito ay hindi maganda sa ating kalusugan. 



Ito ang ilan sa mga paraan upang mapanatili ang normal na blood pressure sa ating dugo:


  1. Regular na pag-e-ehersisyo. Maiging sanayin ang katawan na may ehersisyo araw-araw kahit pa ito ay simpleng paglalakad lamang kada umaga nang kinse minutos. Hindi kinakailangan ang marubdob na pagpapapawis, ang mahalaga ay gawin ito nang hinay-hinay at matimtiman.
  2. Huwag kalimutan ang mga gamot. Sa mga taong mayroong altapresyon at may minimintinang gamot, importanteng hindi sila lumiban sa pag-inom ng mga ito dahil maaari itong makaapekto sa kanilang kalagayan. Maglagay ng mga paalala upang ito ay hindi makalimutan.
  3. Uminom ng tsaa. Sinasabing mas maraming benepisyo ang pag-inom ng tsaa kaysa kape lalo na sa mga may problema sa kanilang presyon ngunit dapat ay uminom lang ng tamang dami nito dahil hindi rin maganda ang labis-labis na pag-inom nito.
  4. Kumain ng dark chocolates. Mas maigi kung pipiliing kumain na lamang ng dark chocolates kaysa sa ibang mga matatamis na pagkain dahil ito ay mayaman sa flavonoids na tumutulong upang hindi tumaas ang presyon ng isang tao. Mahahanap rin ito sa tsaa, wine, mga gulay at prutas.
  5. Bawasan ang asin. Iwasan ang mga lubhang maaalat na pagkain at bawasan ang paggamit nito sa mga lutuin. Maaaring gumamit ng mas maraming paminta upang magdagdag ng lasa sa mga lutuin kaysa damihan ang asin.
  6. Uminom ng orange juice sa umaga at gabi. Mataas ang prutas na ito sa potassium at vitamin C kaya epektibo itong magpababa ng presyon ng dugo. Mayaman din sa potassium ang saging at blueberry.
  7. Obserbahan ang tulog. Ang taong humihilik at paputol-putol ang tulog ay pwedeng may kondisyong sleep apnea. Nangyayari ito kapag humihinto panandalian ang paghinga habang natutulog at karaniwan ay senyales ito ng taong may altapresyon.
  8. Uminom ng karagdagang bitamina. Nakukuha ang mga bitamina at sustansya sa mga pagkain ngunit karaniwang hindi sapat kaya maaaring makakuha ng karagdagan nito sa mga tableta na pwedeng inumin araw-araw.
  9. Kumain ng abokado. Sinasabing kailangan ng ating katawan ng 3500 mg na potassium araw-araw at ang abokado ang isa sa mga pinakamalaking pinagkukunan nito, higit pa sa ibang mga gulay at prutas kasama na ang saging.
  10. Bumili ng sariling kagamitan na magagamit sa pagkuha ng BP. Mabuting magkaroong nito sa bahay dahil mas madali nating masusuri ang sarili nating katawan at sa ganitong paraan, mas malalaman natin kung ano ang mga bagay at pagkain na nakakapagpataas ng ating presyon na hindi na kinakailangan pang tumakbo sa mga klinika.


Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...