Skip to main content

Warning Signs na Maaaring Nakakaranas Kana ng Sintomas ng Anemia






Ano ang Anemia?
Ito ay isang kondisyon kung saan ang isa sa tatlong pinakaimportanteng selula ng dugo ay hindi sapat—ang tinatawag na red blood cells (RBC). Ito, kasama ang white blood cells (WBC) at platelets, ay kinakailangan upang mapanatili ang maayos na pagdaloy at kalusugan ng dugo. Ang RBC ay nagtataglay ng hemoglobin, ang protinang nagbibigay ng pulang kulay sa dugo at tumutulong sa paghahatid ng oxygen sa buong katawan. Kinakailangan ang iron, vitamin B12, folate at iba pang nutrisyon na nakukuha natin sa pagkain upang makagawa nito. Kapag hindi sapat ang ilan sa mga nasabi ay maaari itong magsanhi nang kakulangan ng malusog na RBC at ito ay makaka-apekto sa kabuuang distribusyon ng oxygen.




Mga Klase ng Anemia
Maraming iba’t-ibang uri ng kondisyong ito at lahat ay may kanya-kanyang sanhi. Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, mayroong mahigit sa 400 na uri nito. Ito ay maaaring mahina o malubha at pansamantala o panghabang buhay depende sa kaso. Ilan sa mga klase nito ay ang mga sumusunod:
  • Iron Deficiency Anemia. Ito ang pinaka-pangkaraniwang klase at madalas maranasan ng mga babaeng nagdadalang tao. Ang kakulangan sa iron ay maaaring sanhi ng malabis na pagreregla ng babae, ulcer, k(a)nser o madalas na pag-inom ng pain relievers katulad ng aspirin.
  • Vitamin Deficiency Anemia. Hindi iron kundi kakulangan naman sa folate at vitamin B12 ang may sanhi nito. May mga pambihirang pagkakataon naman na ang tao ay may sapat na mga sustansyang ito ngunit hindi ito maproseso ng kanyang katawan, at ito ay tinatawag na pernicious anemia.
  • Anemia of Chronic Disease. Ito ay dulot ng iba pang malubhang s(a)kit tulad ng k(a)nser, Crohn’s disease, Rheumatoid Arthritis,  HIV/AIDS, Kidney disease at iba pa.
  • Aplastic Anemia. Isang hindi pangkaraniwan ngunit seryosong kondisyon kung saan ang katawan ay hindi na gumagawa nang sapat na bilang ng RBC. Ito ay sanhi ng impeksyon, mga gamot na iniinom, lason at mga kemikal o mga autoimmune diseases at maaaring maranasan ng sino man at sa ano mang edad.
  • Sickle cell Anemia. Uri ng anemia na maaaring mamana. Karaniwan ang ating RBC ay hugis bilog ngunit sa ganitong kondisyon, ang mga ito ay naghugis karit katulad ng ginagamit sa paghahalaman na nagsasanhi ng pagkamatay ng mga ito. Nagiging delikado ito kapag ang mga depektibong selula ay humarang sa daluyan ng dugo.
  • Anemia na sanhi ng bone marrow disease. Ang bone marrow ang gumagawa ng ating mga RBC, WBC at platelets kaya kapag ang tao ay may karamdaman dito, lubhang maaapektuhan ang kalidad ng ating dugo. Ang leukemia at myelofibrosis ay dalawa sa mga s(a)kit sa bone marrow na maaaring magdulot nang ganitong klase ng anemia.
Mga Sintomas ng Anemia


Dahil maraming uri ng anemia at bawat klase ay may iba’t-ibang sanhi, ang mga sintomas ay sari-sari din. Pero, karaniwan sa mga ito ay:
  • Pamumutla ng balat, ilalim ng mga mata, labi at kahit mga palad
  • Pagkapagod
  • Panghihina
  • Madaling hingalin
  • Iregular na tibok ng puso
  • Madalas na pagkahilo
  • Madalas na pananakit ng ulo
  • Paninikip ng dibdib
  • Madaling ginawin
  • Panlalamig ng mga paa at kamay

Paraan para makaiwas sa Anemia

Hindi lahat ng klase ng anemia ay maaaring iwasan katulad ng sickle cell anemia pagkat ito ay namamana, ngunit ang iron at vitamin deficiency anemia ay pwedeng maagapan kung ang diet natin ay may sapat na mga sustansya at bitamina. Sinasabing ang katawan natin ay nangangailangan ng 150-200mg na iron araw-araw, ngunit kadalasan hindi sapat ang mga pagkain para maabot natin ito kaya may mga maaaring inumin na multivitamins para matulungan tayo rito. Makatutulong rin na kumunsulta sa mga doktor kung alam mong laganap ang s(a)kit na ito sa iyong pamilya para malaman kaagad kung ikaw ay mayroon nito nang sa gayon ay maagapan bago pa lumala.  


Natural na Panlunas sa Anemia
Ang mga malubhang klase ng anemia ay hindi basta-bastang malalapatan ng panlunas, ngunit madaling gamutin ang mga uri na sanhi lamang ng kakulangan sa sustansya at bitamina. Makakatulong sa kondisyon na ito ang mga pagkain na nagtataglay ng mga sumusunod:



  • Iron. Nakukuha ito sa karne tulad ng baka, beans, mabeberde at madadahong gulay, pinatuyong prutas at mga cereal na may iron.
  • Folate. Maaari itong makuha sa mga prutas at mga katas nito, gulay, green peas, beans, mani, at ilang mga produkto na gawa sa grano tulad ng mga tinapay, pasta, cereal at kanin.
  • Vitamin B12. Mayaman dito ang karne, mga produktong gawa sa dairy at soy, at mga cereal.
  • Vitamin C. Nakukuha sa maaasim na prutas at mga katas nito, sili, broccoli, kamatis, melon at strawberries.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...