Ang mangga ay isang prutas na sikat dito sa Pilipinas. Masarap itong kainin kahit na ito ay hilaw o hinog. Maaaring kainin mismo ang bunga o kung minsan ay isinasama ito sa paggawa ng dessert.
Ang mangga ay punong puno ng mga nutrisyon at bitamina na tiyak na benepisyal sa ating kalusugan. Narito at alamin ang mga benepisyong hatid nito.
1. Iniimprove ang paningin
Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina A na kilala bilang nakakatulong sa pagpapaganda ng paningin. Ang bitamina A ay nakakatulong rin upang maiwasan ang panunuyo ng mata o dry eyes at implamasyon.
2. Panlaban sa anemia
Ang laman ng mangga ay nakakatulong sa pagpapataas ng hemoglobin count na kailangan ng mga taong may anemia. Mas mainam ito kapag isinabay sa paginom ng gatas.
3. Pampababa ng kolesterol
Ang mataas na lebel ng vitamin C, pectin at fiber ay nakakatulong upang maiwasan ang pagtaas ng kolesterol sa katawan. Ito rin ay mayaman sa potassium na benepisyal sa pag-kontrol ng heart rate at bl0od pressure.
4. Nakakatulong sa digestion
Ang mga enzymes na mayroon ang mangga ay nakakatulong sa pag-break down ng mga protina. Dahil na rin sa taglay nitong fiber ay nakakatulong ito sa maayos na digestion ng pagkain sa tiyan at maiwasan ang konstipasyon.
5. Pinapalakas ang immune system
Ang iba't ibang mineral, bitamina at nutrisyon na taglay ng mangga ay nakakatulong upang mapalakas ang iyong immune system. Ito rin ay mayroong mga antioxidants na nakakatulong upang malabanan ang mga free radicals sa katawan.
6. Pinapaganda ang balat
Ang vitamin C at vitamin A na taglay ng mangga ay kailangan para sa malusog na balat at skin repair. Nakakatulong ang paglalagay ng maninipis na piraso ng hiniwang mangga sa mukha sa loob ng 10-15 minuto para maging fresh ang mukha at matanggal ang bara sa mga pores.
Comments
Post a Comment