Karamihan siguro sa atin ay hindi alam ang kanilang blood type. Madalas sa tuwing nagkakaroon lamang ng problema ay doon pa lamang nalalaman kung ano nga ba ang uri nito o kaya naman sa pagkakataon na kailangang suriin ito upang makatulong sa iba ay doon lamang sila magpapa blood test.
May walong uri ng dugo ang kilala na kung saan natutukoy ito sa pamamagitan ng presensya o kawalan ng molecules na tinatawag A o B antigens at protina na tinatawag na Rh factor. Ang mga antigens na ito ay hindi lamang ang ating dugo ang naiipluwensyahan kung hindi may ginagampanan rin itong papel sa sistema ng ating katawan tulad ng daluyan ng ating mga platelets at cells.
Ngunit alam niyo ba na sa uri ng ating dugo ay malalaman natin kung anong klaseng mga kondisyon ang maaaring dumapo sa atin?
Narito ang apat na uri ng dugo at kung ano ang mga karamdaman na madalas kaugnay sa uri ng dugo:
1. Blood Type A,B, at AB
Uri ng karamdaman: Problema sa puso
Ang mga taong may blood type A, B at AB ay mas malaki ang tiyansa nilang makapitan o makaranas ng problema sa puso dahil may dalawaput limang porsyento hanggang tatlumpu ang lebel ng protein sa dugo. Kaya naman nakikitaan na ang mga may ganitong blood type ay may mataas na tyansa magkaroon ng problema o kondisyon sa puso.
2. Blood Type: O
Uri ng karamdaman: Problema sa pagbuo ng bata o Fertility problems
Ayon sa pananaliksik na ginawa ng Albert Einstein College of Medicine, ang mga taong may blood type O ay sila ang may dalawang beses na porsyentong nagtataglay ng mataas na lebel ng follicle stimulating hormone o tinatawag na FSH na madalas makakaapekto sa mga babae kung saan mas may tyansang mahirapan makabuo ng bata. 3. Blood type: AB Uri ng karamdaman: Memory loss o kawalan ng memorya
Nagtataglay ng mas malaking tiyansang nasa walumput dalawang porsyento na maaaring mabuo ang problema memorya kapag nasa edad na ng pagtanda. Ang mga taong may blood type AB ay may Factor VIII na kung saan nauugnay sa mataas na posibilidad na magkaroon ng memory loss sa pagtanda.
4. Blood Type: A at B
Uri ng karamdaman: Diabetes
Ayon sa nasabing pag-aaral ang mga taong nasa uri ng dugong A o B ay nasa dalawamput isang porsyento na taas ang posibilad na madevelop ang type 2 diabetes. Samantalang ang mga nasa uri ng dugong B+ ay may mataas na bilang na mas magkaroon ng Diabetes. Hindi man matukoy ng mabuti ng mga mananaliksik ang rason o kadahilanan, ngunit pinaniniwalaan na may ipluwensya ang mga uri ng dugo na ito sa GI microbine na kung saan maaaring itong makaapekto ng pamamaga at sa metabolismo ng glucose sa katawan.
5. Blood Type: Non-O
Uri ng karamdaman: Gastric c(a)ncer
Ang mga taong nasa labas ng uri ng dugo na O ay malaki ang kanilang tiyansa sa kapahamakan ng karamdamang gastric k*nser. Ayon sa mga mananaliksik, kadahilanan nito ay ang posibilidad ng pamamaga dahil sa H.pylori bakterya na pangunahing dahilan ng karamdaman. Bukod rito mataas rin ang tiyansa ng mga uri ng A o B na magkaroon ng pagbara sa ilalim ng ugat sa ating braso, singit at hita. Tinatawag ang karamdaman na ito na venous thromboembolism.
Comments
Post a Comment