Ang luya ay maraming mga benepisyong tinataglay na nakatutulong sa ating kalusugan. Madalas rin itong ginagamit na sangkap pampalasa sa mga lutuing pagkain. Sabi nila ang luya rin ay nakatutulong upang gumanda ang iyong boses sa pagkanta. Bukod rito ano pa ba ang benepisyong maihahandog nito sa atin?
Alam mo ba na ang luyang dilaw at luya ay may kakayahang makapagpalabas ng gallstone sa ating katawan lalo na kapag ito ay nilagyan ng turmeric?
Ang luya ay mainam para sa kalusugan ng ating atay kaya halos lahat ng sak(i)t na nauugnay rito ay napapagaling nito. Kabilang na ang pamamaga ng apdo dahil sa pagkakaroon ng bato sa bahaging ito. Hindi rin maiwasan na magkaroon ng bato sa ating apdo sa iba't ibang mga dahilan. Ngunit sa pamamagitan ng wastong mga pagkain, maiwasan ang sobrang stress at paginom ng herbal na makatutulong sa ating atay na mailabas ang bile upang hindi mamuo ang mga malilit na bato na ito at tumigas kung saan maiiwasan rin ang pananakit nito at pamamaga.
Mga maaaring maramdaman ng taong may bato sa apdo:
1. Matinding sakit ng tiyan sa bandang kaliwang bahagi ng ribs.
2. Pananakit na nararamdaman na para bang gumuguhit mula sa kanang balikat o sa parteng likod.
3. Matapos kumain ay mas lumalala ang pananakit nito lalo na kung kumain ng matatabang pagkain.
4. Paghinawakan ang bahaging tiyan ito ay matigas na para bang masusuka kapag didiinan ito.
Kaya sa pamamagitan ng pag inom ng luya at turmeric ay makakatulong ito para mailabas ang mga bato na ito at maibsan ang implamasyon. Mga kailangang sangkap at paggawa sa luyang dilaw at luya na tsaa:
1. Maghanda ng luyang dilaw, luyang pangluto at apat na basong tubig.
2. Hiwaiin ng dalawang pulgadang lapad at isang pulgada naman sa haba. Dikdikin ito upang lumabas ang kanilang katas.
3. Pagsamahin na ang mga nasabing mga sangkap at pakuluan ng lima hanggang sampung minuto.
4. Bago matapos na pakuluan alisin ang takip ng ginamit na kagamitan ng dalawang minuto at muling isara.
5. Ihalo ang isang kutsaritang turmeric powder sa inumin
6. Palamigin ito ng kaunti at maaari ng inumin.
Paraan sa pag-inom:
Umiinom ng isang baso ng pinakuluang luya at turmeric bago kumain ng almusal. Mas mainam kung huwag na itong dagdagan pa ng asukal. Magpalipas ng isang oras bago kumain. Maaari itong inumin ng tuloy-tuloy hanggang tatlong araw.
Magpalipas ng isang araw at muli itong inumin sa loob ng tatlong araw. Hanggang sa maka-dalawang linggo. Matapos ito ipahinga muna ang pag-inom ng dalawang linggo at muling gawin ito. Huwag araw-arawin ang pag-inom nito para kahit papano ay nakakapagpahinga ang iyong atay.
Bakit hndi po makita sa mga lab.kung ano ang dprensya or kung anong sakit ang nararamdaman ko kc halos lahat ng nararamdaman ko nkabanggit po sa may gallstone.
ReplyDelete