Ang kape at tsaa ay may magandang epekto sa ating kalusugan. Nakakapagpalakas ito ng enerhiya, metabolismo, pag-iisip at pisikal na pagganap. Ayon sa mga pag-aaral ay maganda ito sa ating kalusugan kung hindi sosobra ang pag-inom nito.
Ano nga ba ang naidudulot na masama sa sobrang pag-inom ng kape?
1. Pagkabalisa
Ang caffeine ay nakakapagpalakas ng pagkaalerto at nakaiiwas sa sobrang pagkapagod. Gayunman ang sobrang pangtanggap nito sa ating katawan ay nagdudulot ng masama na maaaring makaranas ng pagkabalisa. Idagdag pa ang mabilis na pagnerbyos at mataas na tiyansa ng stress. Kaya mainam na kontrolin ang iyong sarili sa sobrang pag-inom ng mga inuming naglalaman ng caffeine tulad sa kape, tsaa, softdrinks at iba pa.
2. Insomia
Ang kape ay natural na nagtataglay ng caffeine at may kakayahan itong mapanatiling gising ang isang tao. Kaya naman madalas itong ginagamit na kasangkapan lalo na sa mga pagkakataon na maraming mga kailangang tapusin na gawain. Ngunit sa kabilang banda ang sobrang caffeine sa ating katawan ay maaaring magdulot ng kahirapan sa pagtulog o insomnia lalo na sa mga matatanda. Nakakaapekto ito sa kalidad ng ating tulog at haba ng oras ng pagtulog. Upang maiwasan ito, huwag ng uminom ng naglalaman ng caffeine sa hapon hanggang gabi bago matulog.
3. Nagdudulot ng pagtatae
May mga taong ginagamit ang pag-inom ng kape sa umaga upang matulugang magpalabas ng dumi. Samantalang marami rin ang nagsasabing nakapagdudulot ito ng karamdaman na ulcer. Maaaring makatulong nga ang pag-inom ng kape sa inyong pagpapalabas ng dumi ngunit kung sosobra ay nakakapagdulot ito ng pagtatae sa ibang tao na hindi maganda sa ating panunaw.
4. Pagkasira ng kalamnan
Sa sobrang pag-inom ng caffeine ay nagdudulot ito ng ulcer o ng isang kondisyon na Rhabdomyolysis. Ito ay napaka-seryosong kondisyon na kung saan nakakaapekto ang daluyan ng dugo patungo sa pagkasira ng ating bato. Limitahan ang iyong sarili na hanggang 250mg bawat araw lamang ang pag-inom ng kape upang maiwasan ang pagkakaroon ng ulcer.
5. Addiction
Nakasanayan na ng karamihan ang pag-inom ng mainit na inumin tuwing umaga. Ngunit kung labis ang pagkonsumo nito ay hindi na ito makakabuti sa katawan. Minsan sa dalas ng pag-inom nito hindi na maalis sa sistema hanggang sa sobra-sobra na ang natatanggap ng katawan na caffeine. Maaari rin itong magdulot ng psychological o physical withdrawal symptoms dahil ang taong sobra sobrang pag-inom ng kape ay nakakaranas ng addiction kung saan mahihirapan na ang kaniyang katawan na alisin ito sa kaniyang diyeta hanggang sa maranasan ang withdrawal symptoms dahil hirap niya itong pigilan.
6. Pagtaas ng presyon
Nakakapagpataas ng presyon sa dugo ang pagkakaroon ng mataas na dami ng caffeine sa ating katawan kumpara sa mga taong hindi madalas uminom nito. Kahit na ito ay hindi pa nakikitaan ng posibleng dahilan ng pag-atake sa puso o stroke ay mainam pa rin na iwasan ito upang mas maging mabuti ang kondisyon ng ating presyon sa dugo.
7. Mabilis na pagtibok ng puso
Isa rin sa epekto ng sobrang caffeine ay nakakapagpabilis ito ng tibok ng puso. Ito ang kadalasan na tinatawag nilang Palpitations na masama para sa ating puso na maaaring magdulot din ng chest pains.
8. Sobrang pagkapagod
Kilala ang mga inuming naglalaman ng caffeine na kapapagpalakas ng enerhiya. Ngunit maaaring maging kabaligtaran ang epekto nito sa atin kung sosobra ang iyong iinumin kung saan maaring makaranas naman ng sobrang pagkapagod o drowsiness. Kaya uminom lamang ng tamang halaga nito.
9. Madalas na pag-ihi
Ang madalas na pag-ihi ay karaniwang epekto ng mataas na halaga ng caffeine dahil sa dulot nito sa ating pantog. Mapapansin na sa tuwing umiinom ng kape, softdrinks o ano pa man na naglalaman ng caffeine ay dumadalas ang pagkaramdam ng kagustuhang umihi o ang paglabas nito. Kung kayo ay uminom ng kape at na-ihi kayo agad, tandaan na hindi caffeine ang laman ng inyong ihi, dahil ang nafifilter ng ating bladder ay ang tubig muna bago ang kape. Kung saan ito minsan ay nagdudulot ng dehyrdration.
Comments
Post a Comment