Maraming mga paraang upang magamot ang isang karamdaman. Depende na rin ito sa ating paniniwala, karanasan, at kagustuhan. Sa tradisyonal na paraan ng Chinese medicine, sinasabi na ang kombinasyon ng Feng Fu point at ice therapy ay nakakatulong upang maginhawaan ang buong katawan.
Sinasabi na ang pag-stimulate sa point na ito gamit ang yelo ay makakatulong upang ikaw ay magkaroon ng mas maraming enerhiya at mas maging malusog. Wala namang mawawala kung susubukan ito. Narito ang makukuha mong benepisyo sa pagsasagawa ng paglalagay ng yelo sa iyong batok.
1. Nakakapagpawala ng sak!t ng ulo
Ang Feng Fu point ay nakakatulong sa paggaling ng sak!t ng ulo, pagkahilo at mababang enerhiya. Ang paglalagay ng pressure, heat o ice cube sa tamang pressure points sa katawan ay nakakapagpadagdag ng enerhiya. Ang enerhiyang ito ay tinutumbok ang sak!t sa katawan. At ang paraang paglalagay ng ice cube sa batok ay magandang solusyon para sa sak!t ng ulo.
2. Nakakatulong upang makatulog ng mabuti
Ayon sa mga Tsino, ang Feng fu point ay nakakatulong upang maimprove a pagtulog. Ang control center na ito ay responsable para sa mga activities na nangyayari sa mahimbing na pagtulog. Nakakatulong ang paraang ito upang mas mapabilis kang makatulog at hindi masira ang iyong pagtulog.
3. Nakakabawas ng stress
Nakakatulong ang pressure point na ito sa mga emotional disorders tulad ng depresy0n at stress. Ayon sa mga nagsasagawa nito, matapos raw na na-istimulate ang point na ito ay bumababa ang kanilang stress at anxiety levels.
4. Nakakatulong upang hindi maranasan ang PMS o pre-menstru@l syndrome
Ang mga sintomas ng PMS ay katulad ng cramps at mood swings. Ayon sa mga eksperto, ang paglalagay ng yelo sa batok ay nakakatulong upang mabawasan ang mga sintomas na ito dahil mayroong koneksyon ang base ng ating skull at menstru@l cycle ng isang babae.
Maraming pinaniniwalaang ibang paraan ng panggagamot ang mga Tsino, ngunit kung hindi naman makakasama sa ating kalusugan ang ice therapy na ito ay walang mawawala kung hindi natin susubukan.
Maraming pinaniniwalaang ibang paraan ng panggagamot ang mga Tsino, ngunit kung hindi naman makakasama sa ating kalusugan ang ice therapy na ito ay walang mawawala kung hindi natin susubukan.
Comments
Post a Comment