Isa sa mga paboritong matamis na pagkain mapa bata man o matanda ang tsokolate. Ngunit marami ang napagkakamalan na ang tsokolate ay hindi magandang kainin dahil masyado itong mataas sa asukal.
Pero hindi lahat ng tsokolate ay ganoon, sa katunayan ang dark chocolate ay isang uri ng tsokolate na may mapait-pait na lasa at hindi ganoon katamis. Ito ay may hatid na magandang benepisyo sa ating katawan lalo na't kapag kinain lamang ng tama. Narito at alamin ang mga benepisyo nito.
1. Food for the brain
Ang dark chocolate ay nakakatulong upang maboost ang mood at cognitive function ng utak. Pinapataas nito ang daloy ng dugo sa utak upang gumana ito ng mabuti at mahasa ang iyong memorya.
2. Nagtataglay ng antioxidants
Sa dami ng mga free radicals sa ating kapaligiran, dapat lang na tayo ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants upang maprotektahan ang mga cells sa katawan, at isang magandang source na mapagkukunan ay ang dark chocolate. Ito kasi ay nagtataglay ng mga polyphenols, flavanols, at catechins na nakakatulong upang malabanan ang masamang epekto ng free radicals.
3. Maaari nitong mapataas ang iyong HDL levels o good cholesterol
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng dark chocolate ay nakakatulong upang mapataas ang iyong good cholesterol sa katawan habang pinapababa ang LDL o bad cholesterol. Ngunit huwag lang sosobrahan ang pagkain nito.
4. Nilalabanan ang aging o maagang pagtanda ng mukha/balat
Dahil nga mayaman ito sa antioxidants, tumutulong itong malabanan ang DNA damage na siyang dahilan kung bakit madaling tumanda ang balat gaya ng pagkakaroon ng wrinkles. Ayon sa mga research, ang polyphenols at flavonoids sa dark chocolate ay nakakatulong sa pagprotekta ng balat sa UV damage ng araw na mayroong malaking epekto sa maagang pagtanda ng balat.
5. Maaring bawasan ang tyansa sa heart d!sease
Dahil nga mayroong magandang epekto ang pagkain ng dark chocolate sa pagpapababa ng kolesterol sa katawan, posibleng mababawasan rin ang tyansa sa pagkakaroon ng pagbara ng kolesterol sa iyong mga arteries at bababa ang tiyansa na magkaroon ng mga sak!t sa puso. Ngunit huwag lang aasa sa ganito, dahil mahalaga pa rin ang pakakaroon ng healthy lifestyle at right food choices.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment