Habang tumatanda ay humihina at nagiging marupok ang ating mga buto at joints. Kasama na sa mga dahilan kung bakit mo ito nararanasan ay dahil sa kakulangna sa ehersisyo, maling diyeta at lifestyle.
Habang tumatagal, maaari kang makaranas ng iba't ibang mga pananakit sa iyong mga joints at ito ay hindi komportable at pwede pang makaantala sa iyong pang araw-araw na gawain. Kaya naman habang maaga ay alagaan ang mga ito. Narito ang ilang tips upang mapatatag ang iyong mga joints.
1. Huwag papabayaang ma-stuck up ang iyong joints
Karamihan sa mga taong nakakaranas ng arthritis ay pinagsasawalang bahala na ang ehersisyo dahil natatak0t sila na baka mas lumala pa ang kanilang karamdaman. Ngunit dapat pa ring igalaw-galaw ang katawan upang maiwasan ang joint stiffness. Benepisyal rin ang paggalaw ng dahan-dahan upang hindi mabanat ang mga ito.
2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium
Ang calcium ay isang mineral na importante para sa buto. Nakakatulong ito na patibayin at patatagin ang mga buto pati na rin ang mga joints. Makakatulong ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa calcium tulad ng gatas, keso, brocolli, okra, tofu at soya.
3. Tumayo kada 30 minuto kung palagi kang nakaupo sa bahay man o sa opisina
Ang mga taong stationary lang sa kanilang trabaho o iyong mga madalas na nakaupo lang ay sila pa ang kadalasan na nakakaranas ng joint problems. Kaya upang maiwasan ito, tumayo kahit 5 minuto kada 30 minuto na ikaw ay nakaupo. Maaaring maglakad-lakad muna at magstretching upang gumising ang iyong mga kalamanan.
4. Magbawas ng timbang
Ang mga taong may sobrang timbang ay kadalasan din na sila ay nakakaranas ng joint pain. Iyon ay dahil hindi nakakayanan ng iyong mga buto na suportahan ang extra weight ng iyong katawan. Kaya naman i-monitor ang iyong timbang.
5. Magehersisyo
Upang mapabilis ang pagbabawas ng timbang, kailangan mong magehersisyo araw-araw. Ang 30 minuto hanggang 1 oras na ehersisyo ay benepisyal na sa katawan at sa ating buto. Maaari ring magsagawa ng mga light exercises, aerobics at swimming.
6. Gumamit ng joint protection
Mayroong mga kagamitan tulad ng mga assistive devices tulad ng knee pads upang maproteksyunan ang mga joints. At importante lalo na sa mga taong mayroon ng arthritis na lagyan ng proteksyon ang kanilang mga joints. Ang kahalagahan nito ay upang mabawasan ang pananak!t at bawasan ang stress o pressure sa iyong mga joints.
Comments
Post a Comment