Mayroon tayong ibang mga personal na bagay na akala natin ay ayos lang na ipahiram sa iba. Ngunit ang hindi natin alam ay ito pala ay unhygienic dahil maaaring maging dahilan ito ng pagkapasa ng mga bakterya mula sa isang tao papunta sa isa.
Narito ang mga personal na bagay na hindi mo dapat ibinabahagi sa ibang tao.
1. Hikaw
Ang ating tenga ay mayroong napakaraming blo0d vessels. Kaya naman magiging madaling paraan ito upang mapasa ang alin mang bakterya o impeksy0n sa tenga. Kaya naman kung manghihiram man o magpapahiram ng hikaw ay tiyaking linisin muna ito at i-sanitize ng mabuti.
2. Nail cutter
Hindi natin nakikita ngunit ang mga panlinis ng kuko tulad ng nail cutter ay nagtataglay ng napakaraming bakterya at mikrobyo na mula sa kuko ng tao. Ang pakikigamit ng nail cutter ng iba ay nakakapagpataas ng tiyansa ng pagkahawa ng mga fungal d!seases at human papillomavirus.
3. Twalya
Ang twalya lalo na kapag ito ay basa ay maaaring maging breeding ground ng mga mikrobyo dahil gusto nila ang moist o basang paligid. Kaya naman isa ito sa mga personal na bagay na hindi dapat shine-share sa iba. Maaari rin itong maging dahilan ng pagkahawa sa mga fungal na impeksy0n at paglipat ng bakterya mula sa isang tao papunta sayo.
4. Make up, brushes at lipstick
Ang mga make up tulad ng lipstick, blush on, face powder, at iba pa ay hindi dapat ibinabahagi sa iba. Ang ating mukha partikular na sa ating labi ay nagtataglay ng mga blo0d vessels na maaaring pagmulan ng bakterya. Kapag ipinahiram mo ang iyong mga makeup, brushes at lipstick ay maaaring maging carrier ito ng mga mikrobyo at bakterya na maaaring mailipat sa iyo.
5. Earphones
Ang mga earphones ay direktang inilalagay sa tenga. At ang init at moisture sa ating tenga ay maaaring pagmulan ng bacterial growth. Kaya naman kapag ipinapahiram mo ito sa iba, maaaring mapasa ang alin mang bakterya na nasa iyong tenga papunta sa iba, o kabaligtaran.
6. Hair brush at suklay
Ang pagpapahiram o panghihiram ng suklay at hair brushes ay maaaring maging daan upang mapasa o mahawa ka ng mga parasitiko tulad ng lisa, kuto, at iba pang mikrobyo sa iyong ulo.
7. Deodorants
Ang mga deodorants partikular ang mga roll on ay hindi dapat ipinapagamit sa iba dahil maaaring mapasa-pasa ang bakterya na mula sa kili-kili.
8. Damit
Mayroong mga tao dahil sa ayaw mapagastos bumili ng bagong damit ay naghihiraman na lang. Ngunit ang gawaing ito ay hindi maganda. Ang pawis at amoy kasi ng ating katawan ay maaaring manatili sa mga damit lalong lalo na sa parte ng kili-kili at kung ipinahiram ito sa iba ay maaari itong mapasa. Ito ay maaari ring maging dahilan ng pagkahawa sa body odor o putok.
Comments
Post a Comment