Ano ang pigsa?
Ang pigsa ay isang karaniwang kondisyon sa balat na mukhang isang malaking tigyawat. Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon nito, ngunit mayroong ilan na basta na lang tinutubuan nito sa likod, kili-kili, pwet, o kung saang parte pa ng katawan. Nagsisimula ito na parang isang maliit na namumulang tigyawat hanggang nagkakaroon ito ng nana sa loob.
Maaari naman itong gamutin sa bahay, ngunit upang mas maiwasan ang pagkalat nito sa iba pang parte ng katawan, ay makakabuti pa rin na ipasuri ito sa isang doktor.
Samantala, narito ang ilang mga home remedies para sa pigsa. Maaari ito gumana sa ilan at sa iba naman ay hindi.
1. Warm compress
Ang warm compress ay makakatulong upang mapabilis ang drainage ng pigsa sa pamamagitan ng pagpigil sa pagkakaroon nito ng abcess sa loob. Epektibo rin ito sa paghilom ng sugat ng pigsa. Ibabad lamang ang malinis na bimpo sa maligamgam na tubig, pigaing mabuti bago idampi sa pigsa.
Paalala lamang na labhan at ibabad sa mainit na tubig pagkatapos ang pinaggamitang bimpo upang hindi na kumalat ang bakterya.
2. Tea tree oil
Ang tea tree oil ay isang natural na antiseptic at mayroong anti-microbial at anti-imflammatory na kakayahan na ginagamit ring natural na remedyo sa iba pang kondisyon sa balat kasama na rito ang pigsa. Ang langis na ito ay nakakatulong upang malabanan ang mga mikrobyong nagdudulot ng impeksy0n at sa mabilis na pagtuyo/ paghilom ng pigsa.
Gamit ang cotton swab ay magpahid lamang ng tea tree oil direkta sa iyong pigsa, isang beses sa isang araw.
3. Turmeric
Ang turmeric ay isang Indian spice na mayroong anti-inflammatory properties. Mayroong itong major component na curcumin na isang anti-microbial. Ang mga katangian na ito ay nakakatulong upang mapabilis ang paghilom ng pigsa ay malabanan ang impeksy0n.
Magpatak ng kaunting tubig sa isang kutsaritang turmeric powder hanggang makagawa ng paste. Ipahid ito sa apektadong parte at iwanan sa loob ng 20 minuto bago banlawan.
4. Apple Cider Vinegar
Maghalo ng tig kalahating kutsara ng apple cider vinegar at tubig. Gamit ang cotton swab ay i-dip ito sa mixture at gamitin itong ipang-apply sa pigsa. Iwanan ng 15 minuto bago banlawan. Ang apple cider kasi ay nagtataglay ng kakayahang pigilan ang pagdami ng mikrobyo sa sugat ng pigsa. Nakakabawas rin ito ng implamasyon at pamamaga.
5. Bawang
Tulad ng turmeric, ang bawang ay mayroong namang compenent na allicin na isa ring anti-inflammatory at anti-microbial. Ginamit rin ang bawang sa iba pang mga kondisyon sa balat kaya naman maaari rin itong subukan panlunas sa pigsa.
Magdikdik ng 2-3 butil ng bawang. I-dip ang cotton swab sa katas ng bawang at iapply ito sa iyong pigsa. Matapos ang 20 minuto ay banlawan ito.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment