Ang depresy0n ay isang mood disorder na kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng pagkalungkot at kawalan ng interest. Ito ay isang kondisyon na hindi dapat binabalewala dahil malaki ang epekto nito sa iyong nararamdaman, naiisip at ginagawa.
Marami na ang naitala na binawi ang kanilang buhay dahil sila ay nakakaranas ng depresy0n. Kaya kung ikaw o mayroon ka mang kakilala na ipinapakita ang mga senyales na ito ng depresy0n ay makakabuting kausapin mo siya at humingi ng tulong sa isang propesyunal na doktor.
1. Kawalan ng interes sa mga bagay-bagay
Kapag ang isang tao ay mayroong pinagdadaanan at nakakaranas ng matinding kalungkutan, nagbabago ang interes niya sa mga bagay-bagay. Maaaring nawalan siya ng interest at pake sa mga bagay na dati naman ay gustong gusto niyang ginagawa. Alamin ang dahilan kung bakit niya ito pinagdadaanan.
2. Balisa, madaling mapagod, problema sa pagtulog
Isang rason kung bakit nawawalan ng interest sa mga bagay-bagay ang isang taong nakakaranas ng depresy0n ay dahil madalas siyang mapagod dahil sa pagiging balisa at problema sa pagtulog. Maaaring hindi siya makatulog ng maayos dahil sa mga iniisip na kung ano-anong problema.
3. Pagbabago sa timbang at sa appetite
Mayroong tao na kapag nakakaranas ng kalungkutan ay nawawalan ng ganang kumain at pumapayat. Samantalang ang iba naman ay mas napapakain at nadaragdagan ang timbang. Iba-iba ito sa bawat tao. Isang indikasyon na kung saan ang pagbabago sa diyeta ay maaaring nauugnay sa depresy0n ay kung intensyon ba ito o hindi. Kung hindi, maaaring ito ay dahil ang isang tao ay nakakaranas ng depresy0n.
4. Pilit na kasiyahan
Mayroong mga tao na akala mo ay masaya ngunit sa loob-looban pala niya ay nababalot siya ng kalungkutan. Ito ay isang tinatagong depresy0n o kung tawagin ay 'smiling depressi0n' na kung saan peke ang saya na ipinapakita sa labas upang hindi mahalata ng iba.
5. Hindi makontrol ang emosyon
Ang isang taong nakakaranas ng depresy0n ay maaaring makaranas rin ng mood swings o ang pabago-bago sa pag-uugali. Pwedeng malungkot siya ngayon, maya-maya ay galit, irritable, di kaya ay nag-aalala na lang basta na walang rason at hindi mo matiyak kung ano ba talaga ang tunay na rason kung bakit siya nagkakaganoon.
Kung alin mang senyales ang iyong nararanasan o di kaya ay nararanasan ng inyong mahal sa buhay, makakabuti kung humingi ng propesyunal na tulong upang maligtas ang buhay at hindi mauwi sa anumang kapahamakan.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment