Kapag nandito ka sa Pilipinas, kapag narinig natin ang salitang Baguio, ang unang pumapasok sa ating isip ay strawberries! Dito kasi sikat at maraming mabibiling strawberry sa murang halaga lalo na kung season nito.
Ang sarap ng strawberry dahil may halo itong tamis at asim. Kaya naman madalas rin itong isinasama sa mga pagkain at inumin. Ngunit bukod dito ay napaka-healthy pa nito sa ating katawan dahil mayaman ito sa antioxidants. Narito at alamin ang healthy reasons kung bakit ka dapat kumain nito.
1. Pampalakas ng immunity
Ang strawberry ay magandang mapagkukunan ng vitamin C. At ang bitaminang ito ay nakakatulong upang mapalakas ang ating immunity laban sa mga sak!t. Bukod rito ay malakas rin itong antioxidant.
2. Nakakatulong mabawasan ang implamasyon
Mayaman ito sa phytochemicals na nakakatulong upang mabawasan ang implamasyon sa mga joints na maaaring mauwi sa arthritis.
3. Nireregulate ang presyon
Dahil ang strawberries ay mataas ang potassium content, mainam itong kainin ng mga taong may mataas na presyon upang ma-negate ang epekto ng sodium sa katawan. Ang potassium ay nakakatulong sa pagregulate ng presyon at maaari ring makatulong upang mapababa ito.
4. Panlaban sa konstipasyon
Kailangan ng ating katawang ang fiber upang maiwasana ng konstipasyon. Ang pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa fiber tulad ng strawberry ay makakatulong sa ganitong kondisyon. Dahil nagtataglay rin ito ng 91% water, makakatulong rin ito sa pag-hyrate ng katawan at maregulate ang iyong pagdudumi.
5. Pampapayat
Madalas na inihahalo ang strawberry sa mga inumin tulad ng protein shake sa mga nais magdyeta at magpapayat dahil mababa lamang ito sa kalorya. Ito rin kasi ay fat-free, mababa sa sugar at sa sodium.
6. Pampaputi ng ngipin
Ang strawberries ay nagtataglay ng tooth-whitening enzyme na malic acid na nakakatulong upang maalis ang mansta sa mga ngipin. Upang gamitin ito bilang pampaputi ng ngipin, i-crush o gawing puree ang isang strawberry, magdagdag ng 1/2 baking soda at ipaghalong mabuti. Pagkatapos ay i-brush ito sa iyong ngipin at iwan ng 5 minuto bago magmumog.
Comments
Post a Comment