Skip to main content

Ito ang mga Dapat Ninyong Gawin sa Tuwing Kayo ay Makakaranas ng Pananakit ng Ulo




Ang pananakit ng ulo ng isang tao ay isang karaniwang karamdaman na madalas nating maramdaman lalo na kung tayo ay nakakaranas ng stress o sakit. May ilang mga rason kung bakit nakakaranas ng pananakit ng ulo ang isang tao. Maaaring ito ay dahilan ng isang impeksyon dulo't ng bacteria o virus, maaaring ito ay senyales ng isang malalang karamdaman, posibleng ito ay dala ng sobrang stress o kulang sa tulog. 

Ang pananakit ng ulo ay may dalawang categorya. Ito ay primary headache at secondary headache. Gayon man, may ilang mga alternatibong mga gamot at herbal remedy para sa pananakit ng ulo. 


Ano ang pinag kaiba ng Primary Headache at Secondary Headache:



1. Primary Headaches- Ito ang pananakit ng ulo na hindi dulot o nauugnay sa ibang karamdaman tulad ng migraine at tension headaches. Ang tension headaches ay epekto ng kakulangan sa tulog, dehydration, lipas ng gutom, kawalan ng ehersisyo, maling postura, sa mata at malakas na ingay.

2. Secondary Headaches- Nauugnay ito sa mga iba pang karamdaman tulad ng epekto sa pagkakaroon ng sinusitis, hangover, caffeine withdrawal, sa gamot, trangkaso, buwanang dalaw, at injury sa ulo. 


Narito ang ilang dapat gawin tuwing makakaranas ng pananakit ng ulo:

1. Pahinga 

Ang sobrang pagkapagod ay nagdudulot ng pananakit ng ulo. Mas mapapadalas pa ito kung palaging napapagod lalo na kung pagbabad sa paggamit ng gadgets. Kaya naman limitahan lamamg ang paggamit ng gadgets upang hindi madalas umatake ang pananakit ng inyong ulo. 

Pero kung ang inyong trabaho ay madalas na kinakailangang nakaharap sa computer, tiyaking magkaroon ng labing limang minutong pahinga at tumingin-tingin sa iba't ibang direksyon o di kaya naman maglakad-lakad upang mapahinga ang inyong mata at utak dahil ang isa sa pinakamabisang paraan na panlaban sa sak!t ng ulo na dala ng pagod ay pahinga. 



2. Ointments

Karaniwan na ginagamit ang ointments para maibsan ang pananakit ng ulo sa pamamagitan lamang ng pagpahid nito sa inyong ulo. Ang mga relaxing o minty flavors na ointment o essential oils ay makakatulong upang maibsan ang pananakit nito. Malaki ang naitutulong ng mga oils na ito para marelax ang ating ulo dahil sa pananakit.

3. Cold compress

Ang cold compress sa ating ulo ay isang malaking tulong upang maibsan ang pananakit ng ulo. Lalo na kung ang dahilan ng pananakit ng iyong ulo ay sa lagnat, trangkaso at pamamaga ng sinus. Ang paglagay ng cold compress ay makakatulong kung kayo ay mayroong lagnat upang matanggal at mabawasan ang temperatura sa katawan. 

4. Luya 


Maaaring inumin ang luya na parang tsaa lalo na kung mayroong pananakit ng ulo dahil ito ay mayroong soothing effect para sa mga karamdaman. Dikdikin lamang ang luya at pakuluan ng limang minuto. Ilagay sa isang baso at dagdagan ng honey. Haluin itong mabuti at maaari ng inumin upang maibsan ang nararamdaman. 

5. Almond

Alam mo ba na ang almond ay mabisang pantanggal sa sak!t ng ulo? Ito ay nagtataglay ng sangkap na salicin na kung saan kilala bilang mahusay na ingredient laban sa sakit ng ulo. Kaya bago pa lumala ang iyong nararamdaman kumain ka na ng ilang piraso ng almonds. 

6. Apple Cider Vinegar

Magpakulo ng tubig na may kasamang apple cider vinegar at saka kubkuban ang ulo ng malinis na tuwalya o ano mang tela. Langhapin ito ng lima hanggang sampung minuto. Pagkatapos nito uminom ng malamig na tubig upang mas madagdagan ang kaginhawaan. 


7. Lavender oil

Sa pamamagitan ng simpleng pag-amoy sa langis na ito ay maiibsan na ang iyong nararamdaman. Ang halimuyak na taglay nito ay makapagpapaginhawa sa pananakit ng inyong ulo. Bukod sa paglanghap sa amoy nito, maaari rin naman na imasahe ang langis sa inyong ulo at haluan ng almond o olive na langis. 

8. Oregano 


Ang oregano ay katulad rin ng mga ointment na nabibili sa mga botika na may taglay na menthol. Kaya naman magagamit ito bilang panlunas sa sakit ng ulo. Magdikdik ng dahon ng oregano hanggang sa makuha ang katas na taglay nito. Ipaghid sa inyong noo at sentido upang guminhawa na ang nararamdaman.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...