Ang itlog ang isa sa mga maaaring mapagkunan ng protina, maliban rito ay mayaman rin ito sa calcium at mga mineral. Pwede itong lutuin sa iba’t-ibang paraan tulad ng prito, paglalaga, baked o kaya nama’y isama ito sa mga putahe at pati na sa paggawa ng mga baked goods gaya ng tinapay, pastries, cookies at iba pa. Karaniwan, pagbiyak natin sa itlog ay itinatapon na natin ang mga balat nito ngunit ayon sa mga ekperto, pwede pa natin ito magamit sa ibang paraan.
Narito ang ilan lamang sa mga halimbawa:
1. Calcium supplement
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong taong 2005 sa Brazil, 97% raw ng balat ng itlog ay naglalaman ng calcium carbonate.Isa pang pag-aaral ang nagsasabing maliban sa calcium ay mayaman ito sa fluorine at strontium na pwedeng makatulong sa mga nakakaranas ng pananakit ng mga buto at pati na ang pagpigil ng bone deterioration lalo na sa mga mayroong osteoporosis.
Imbes na bumili ng mga supplements sa botika ay maaaring gumawa na lamang ng sarili. Sundin lamang ito:
-Ipunin ang balat ng isang dosenang itlog at hugasan ang mga ito (siguruhin na ang itlog ay organic at sariwa mula sa mga farm)
-Ilaga ang mga ito sa isang kaserola sa loob ng 10 minuto, siguraduhing nakababad ang mga ito sa tubig
-Patayin ang apoy, salain ang mga ito upang mawala ang tubig at itabi
-Initin ito sa oven sa init na 200 degrees Fareinheit sa loob ng 10 hanggang 15 minutos upang tuluyang matuyo
-Durugin ang mga ito sa pamamagitan ng coffee grinder o food processor hanggang sa maging pinong pulbos
-Ilagay sa malinis na lalagyan at pwede na itong gamitin bilang supplement. Isang kutsarita lamang nito sa isang araw ay sapat na.
2. Pang-alis ng mantsa sa mga tasa na sanhi ng tsa-a at kape
3. Pamalit sa toothpaste
Ang ating ngipin sa katagalan ay nawawalan ng kinang at humihina dahil sa ating mga kinakain at iba’t-ibang gawain kaya naman mahalaga na maibigay ang kinakailangan nitong mga mineral upang mapanatili ang kalusugan ng mga ito.
-Gamitin lamang ang pinulbong balat ng itlog at haluan ng 1 hanggang 3 kutsarang coconut oil, 1 kutsara ng baking soda, at lagyan ng 10 drops ng peppermint essential oil kung nais. -Ilagay ito sa malinis na garapon at gamitin bilang normal na toothpaste tuwing umaga.
-Gamitin lamang ang pinulbong balat ng itlog at haluan ng 1 hanggang 3 kutsarang coconut oil, 1 kutsara ng baking soda, at lagyan ng 10 drops ng peppermint essential oil kung nais. -Ilagay ito sa malinis na garapon at gamitin bilang normal na toothpaste tuwing umaga.
4. Pampatamis ng kape
Ang taglay na calcium carbonate ng balat ng mga itlog ay matatawag na alkaline kaya maaari nitong makontra ang natural na pagiging acidic ng kape at mababawasan rin nito ang mapait na lasa nito.
Haluan lamang ng isang kutsaritang pinulbos na balat ng itlog ang mga coffee grounds at ilaga ito sa karaniwang paraan.
5. Nutrisyon para sa mga halaman
Dahil mayaman ang balat ng mga itlog sa calcium, sodium, potassium, magnesium at phosphorus, makakapagbigay ito ng sustansya sa mga halaman at pwede rin itong makapigil sa pagkabulok ng mga ito.
Ilaga ang mga napagbiyakang balat ng mga itlog upang malinis at patuyuin. Pwede na itong ipatong sa mga dahon at sanga ng mga halaman o kaya naman durugin at ikalat ang pulbos nito sa lupa na pinagtataniman ng mga ito. Diligan ang mga ito ng tubig upang pumasok ang sustansya sa lupa at masipsip ng ugat ng mga halaman.
Comments
Post a Comment