Marami sa atin ang tumatangkilik sa mga natural na remedyo para sa karaniwang mga karamdaman. Hindi lang dahil sa nakasanayan na ito noon pa man, kung hindi talaga namang napakabisa nito at nakakatipid pa.
Lalo na sa mga taong kapos sa kanilang pamumuhay. Tulad na lamang ng pinag-sama-samang carrot, honey at luya na magagawa niyo sa inyong bahay upang malunasan ang inyong ubo.
Magiginhawaan rin ang pakiramdam dahil mailalabas nito ang plemang nakapaloob sa inyo.
Narito ang mga benepisyo ng carrot:
-Nakakatulong makaiwas sa problema sa puso
-Para sa mata
-Nakapagpababa ng cholesterol
-Pampaganda ng balat
-Pampalakas ng katawan
Ngayon, alamin naman natin kung paano ang paraan sa paggawa ng homemade syrup recipe para sa inyong paguubo at plemang hindi mailbas.
Mga kagamitan na kailangang ihanda:
-Kalahating kilo ng catrot
-Isang kapiraso ng luya (hiwain)
Limang kutsara ng honey
-Isang pitsel ng tubig
-Kawali o kaserola at salaan
-Kung naihanda na ang lahat, simulan na ang hakbang sa pagluluto ng carrot luya honey syrup.
1. Hugasan ang carrot at luya. Balatan ang mga ito at hiwain ng maliliit na piraso, ilagay sa inyong inihandang kawali o kaserola ang karot. Lagyan ng tubig hanggang sa lumubog ito.
2. Lutuin ito ng katamtamang lakas ng apoy. At kung kumukulo na ito idagdag ang luya. Muli, hayaang kumulo hanggang sa lumabot ang carrot.
3. Salain ang pinakuluang carrot at luya upang magihiwalay ang mga ito sa tubig. Huwag itatapon ang ginamit na tubig dahil magagamit pa ito.
4. Dikdikin, durugin hanggang sa lumambot maghalo ang carrot at luya.
5. Idagdag ang honey at haluin ang hanggang sa magblend ito.
6. Ipaghalo ang tubig at dinurog na carrot na may luya. Haluin ng mabuti hanggang sa magsama-sama ang mga ito.
Paraan sa pagkonsumo sa homemade syrup:
Nirerekomenda itong inumin ng tatlo hanggang apat na kutsara araw-araw. Sa loob ng isa o dalawang araw matutulungang mawala ang inyong pag-uubo at mailalabas ang plema na nakadikit sa inyong baga. Mapapabuti na ang kalusugan, magiginhawaan pa ang pakiramdaman.
Pwede kaya to sa bata?
ReplyDeletepwede to sa buntis?
ReplyDeleteBakit Hindi pwd carrots Kang Naman Yan walang nakakalason.
Delete