Maraming mga iba't ibang uri ng halamang gamot ang iniendorso na ng Department of health dahil napatunayan na ang halaga at bisa nito. Bukod sa madali lamang itong makita sa mga bakuran, hindi pa gagastos ng malaki. Kaya naman karamihan sa mga tao ay gumagamit lamang ng alternatibong paraan upang malunasan ang kanilang mga karamdaman.
Ngayon, alamin natin ang ilang mga halamang gamot na mabisang panlunas sa mga iba't ibang karamdaman tulad ng UTI, sugat at sakit sa puso. Ngunit paalala lamang na hindi nito ibig sabihin na hindi na tayo kokonsulta sa doktor. Mas mainam pa rin na magpatingin upang mapayuhan ng tamang paraan at gamutan sa inyong nararamdaman.
Ito ang mga halamang gamot na mabisa para sa mga taong nakakaranas ng UTI:
1. Cranberry
Ang pag-inom sa pure extract ng Cranbeery ay mabisang gamot upang maibsan ang nararanasang UTI. Dahil ang prutas na ito ay may nilalaman na antioxidant na kung saan nakatutulong upang mapigilan ang pagdami ng mga bakterya na nagdudulot ng impeksyon.
Madali lamang itong mahanap sa inyong kusina dahil sa madalas itong gamitin na sangkap sa mga lutuin. Ngunit hindi lamang ito ang kaniyang kahalagahan dahil marami itong benepisyong nilalaman na nakabubuti sa ating kalusugan. Kaya naman sa pamamagitan ng pagkain nito na hilaw ay makatutulong sa inyong nararanasang UTI.
3. Sambong
Ang sabaw ng buko ay mainam na inumin ng mga taong dumaranas ng UTI para magamot ang kanilang nararamdaman. Ang sambong ay kilalang diuretic na mabisang pampaihi na makakatulong upang mapalabas ang impeksyon sa ating bladder. Kaya naman imbes na bumili ng buko kumuha na lamang ng sambong at ilaga ito. Inumin ito hanggang sa mawala ang UTI.
4. Mais
Ang mais ay may nilalaman na tannin at anti-oxidant na nakatutulong sa mabilis na paggaling ng UTI. Makukuha ang benepisyong taglay nito sa pagpapakulo ng sariwang mais at pag-inom sa pinaglagaan hanggang sa mawala ang mga sintomas nito.
Mga halamang gamot para sa sugat:
1. Aloe Vera
Ang aloe vera ay popular na ginagamit bilang sangkap sa mga produktong pampaganda tulad ng shampoo at lotion. Bukod rito sinasabi rin na mabisang gamot ang mga ito sa napasong balat, kagat ng insekto at sugat. Ang paraan lamang ay kumuha ng isa o dalawang piraso nito at saka kunin ang katas ng gel nito. Ipahid sa papektadong balat upang makuha taglay na epekto.
2. Oregano
Ang dahon na ito ay karaniwang dinidikdik upang makuha ang kaniyang katas at saka ipinapahid sa balat upang malunasan ang napasong balat at kagat ng insekto. Pinatitili ang ipinahid na katas at pagtapal ng dahon sa apektadong balat sa loob ng dalawang oras o higit pa. Maaaring palitan kung kinakailangan.
3. Bayabas
Ang bunga ng bayabas ay mayaman sa bitamina na siya namang nakabubuti para sa ating kalusugan. Samantalang ang dahon naman nito ay ginagamit na gamot sa ilang mga karamdaman at mabisang lunas para sa mga sugat. Ang pinaglagaan ng dahon ay magagamit sa paglilinis ng sugat habang ang mismong dahon ay maaaring itapal sa sugat.
Para naman sa sakit ng puso:
1. Gumamela
Ayon sa mga pananaliksik, ang gumamela ay may mga sangkap na nakapagpapakalma ng ugat. Gayon nakatutulong ito upang mapababa ang altapresyon. Kaya kung nakakaranas ng pagtaas ng inyong presyon sa dugo ay magpakulo lamang ng gumamela at inumin ito.
Ito ay likas na mayaman sa mineral kaya naman may kakayahan itong mapababa ang konsentrasyon ng sodium sa ating dugo. Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ay makatutulomg ang pagkain ng buto ng sunflower ng walang halong asin.
3. Melon
Isa rin ang melon sa mga halaman na napakabenepisyo para sa ating kalusugan. Sinasabi rin na may sangkap ito na nakakapagpakalma sa mga baradong ugat kung kayat makababawas ito sa presyon ng dugo.
Comments
Post a Comment