Ayon nga sa isang kasabihan, "Prevention is better than cure." Sa paglabas ng iba't ibang mga sak!t ngayon, mas makakabuti na ang nag-iingat at pinoprotektahan ang ating katawan bago pa tayo madapuan ng anumang sak!t.
Maaari itong simulan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating immune system. Ang immune system ay ang nagsisilbing depensa ng ating katawan laban sa mga masasamang organismong maaarinig makapasok sa ating katawan.
Kung nais malaman kung paano ninyo mapapalakas ang inyong immune system upang mapalayo sa mga sak!t narito at alamin.
1. Bawasan ang stress
Ang epekto ng stress sa ating katawan ay hindi maganda. Hindi lamang ito lumalabas sa ating pisikal na itsura tulad ng pagkakaroon ng wrinkles, maagang pagtanda, etc. ngunit naapektuhan rin ang loob ng ating katawan. Ang pagiging sobrang stressed ay nakakapagpataas ng ating hormone na cortisol, at kung patuloy itong tumataas humihina ang function ng ating immune system.
2. Magkaroon ng sapat na tulog
Mayroong mga taong ipinagsasawalang-bahala ang oras ng pagtulog. Ang sleep deprivation o kakulangan sa oras ng tulog ay mayroong nakakapinsalang epekto sa produksyon ng antibodies ng ating katawan. At kung bumababa ang antibodies sa katawan, ay humihina rin ang depensa laban sa mga sak!t.
3. Proper hygiene
Ang malinis na pangangatawan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tamang hygiene. Ugaliin ang laging maghugas ng kamay, takpan o mag-mask kapag inuubo, huwag maki-share ng mga personal na gamit, etc.
4. Kumain ng healthy na pagkain
Isaalang-alang din ang mga pagkaing kinakain dahil hindi lahat ng iyong kinakain ay masustansya. Bawasan ang labis na pagkain ng mga maaalat, matatamis, mamantika, fried foods, at mga fast foods. Makakabuti kung kumain ng mga organic na mga pagkain, gulay at prutas.
5. Regular na pag-eehersisyo
Ang kahalagahan ng ehersisyo ay hindi lamang upang gumanda ang katawan kundi para mailabas rin ang mga toxins sa pamamagitan ng pawis. Pinapalakas nito ang immune system sa pamamagitan ng tamang sirkulasyon ng dugo, bitamina at mineral. Ngunit tiyaking hydrated ang inyong katawan bago, habang at pagkatapos magehersisyo.
6. Iwasan ang masamang bisyo
Ang mga bisyo tulad ng panin!garily0 at pag-inom ng alak ay dapat ng iwasan kung gusto niyong mapalakas ang inyong immune system. Dahil ang mga bagay na ito ay nakakapagpa-hina at nakakapagpa-bagal ng depensa ng antibodies lalo na't kapag na-exposed sa mga bagay na maaaring makapagdulot ng sak!t.
Comments
Post a Comment