Madalas ay kasabay na ng buwanang dalaw ng mga babae ang dysmenorrhea o ang pananakit ng kanilang puson. Nangyayari ito kapag ang muscle na tinatawag na uterus ay nagko-contract at naiipit nito ang mga blood vessels, dahilan upang mahinto ang supply ng oxygen panandalian kung saan nagsasanhi ng cramps.
Ngunit mayroon ring mga pagkakataon na nakakaranas ang mga babae ng pananakit ng puson kahit hindi sila nireregla. Narito ang mga posibleng dahilan:
1. Ovarian Cyst
• Maaaring magkaroon ng cyst sa obaryo ang mga babae, ito ang mga tila mga bola na may lamang likido sa loob. Kapag ito ay lumaki at pumutok, makakaranas ng matinding pananakit ang babae sa bandang puson o tiyan.
2. Ovarian C(a)ncer
• Ang k(a)nser sa obaryo ay isa sa pinaka-nakamamatay na klase ng k(a)nser sa mga kababaihan. Madalas ay walang senyales o sintomas ang karamdamang ito ngunit ayon sa American C(a)ncer Society ay maaaring sintomas ang pananakit ng tiyan at puson, bloating, pagbagsak ng timbang at urinary tract infection o UTI. Ipinapayo ng mga eksperto na magpatingin na sa espesyalista kung hindi dinadatnan ang babae ng 3 buwan at nakakaranas ng cramps.
3. Inflammatory Bowel Disease
• Ang mga kondisyon kung saan may pamamaga sa digestive tract kagaya ng Crohn’s Disease at Ulcerative Colitis ay pwedeng magsanhi ng cramps at diarrhea. Kadalasan ay sanhi ito ng stress at maling diet, ang mga sintomas naman nito ay pwedeng banayad o matindi depende sa partikular na kaso.
4. Endometriosis
• Ang endometriosis ay isang kondisyon kung saan ang tissue na kagaya ng nasa uterus ay tumubo sa labas nito. Ang mga tissue na ito ay rumeresponde rin kagaya ng normal kaya nagdurugo rin ito na halintulad kapag may buwanang dalaw ang isang babae. Hindi ito basta-bastang naaalis sa katawan kaya kalaunan ay pwede itong magsanhi ng dysmenorrhea at pamamaga.
5. Appendicitis
• Ito ang kondisyon kung saan may implamasyon sa appendix. Nangyayari ito kapag may humaharang sa appendix, halimbawa ay dumi, tumor o mga bagay na hindi dapat nasa loob ng katawan. Normal na sintomas nito ang pananakit ng tiyan o puson.
6. Lactose Intolerance
• Ang taong may lactose intolerance ay nakakaranas ng pananakit ng tiyan, bloating, gas at diarrhea sa loob ng 30 minutos hanggang 2 hours tuwing kumukunsumo sila ng mga produktong gawa sa gatas. Nangyayari ito dahil walang kakayahan ang kanilang digestive system na iproseso ang lactose, ito ang uri ng sugar na natatagpuan sa mga milk at dairy na produkto.
7. Ectopic Pregnancy
Comments
Post a Comment