Skip to main content

Ito ang Ilang mga Early Signs at Symptoms ng Lung C(a)ncer na Dapat Bantayan




Maraming iba't ibang uri ng C(a)ncer ang meron sa kasalukuyan. Ngunit isa sa pinaka Sikat na uri ng c(a)ncer ay ang Lung c(a)ncer, sa kadahilanang maraming tao ngayon ang talagang nalululong sa bisyo kagaya nalang ng paninigarilyo na nagiging sanhi upang magkaroon ng ganitong uri ng sakit. 


Alam niyo ba ang pinakamataas na rates ng c(a)ncer sa buong mundo ay ang c(a)ncer sa Lungs? Ito ay sa kadahilanan na rin dahil maraming tao ang nalululong sa bisyo kagaya ng paninigarily0 at nakakalanghap ng usok nito. Subalit marami rin ilang factors na nagsasanhi kung bakit nagkakaroon ang isang tao ng ganito.

Ano ano nga ba ang stages ng Lung cancer? 



Stage 1. Kapagka ang tumor ay matatagpuan lamang sa loob ng ating baga. 

Stage 2. Kapag ang tumor ay nasa loob ng ating Baga at bahagyang kumalat na ito sa Lymph Nodes.

Stage 3. May Tumor sa loob ng Baga, kumalat na sa Lymph Nodes at umabot na hanggang sa dibdib.

Stage 4. Ang tumor ay nasa loob ng baga hanggang sa kumalat na ito at umabot na sa ibat ibang parte ng katawan na maaaring sa puso, atay, kidney o iba pa.

Ayon sa mga eksperto, prevention is better than cure. Subalit paano mo nga ba malalaman na posibleng lung c(a)ncer na ito?

Narito ang ilang mga early symptoms na nararanasan ng mga may Lung C(a)ncer:




1. Biglaang pag payat. 

⁃ Kapag bigla ka nalang nawalan ng gana sa pagkain at biglang bumagsak ang timbang mo ng walang sapat na dahilan, maaaring epekto ito ng growing c(a)ncer cells sa katawan. Payo ng isang eksperto na kapag nakaranas ng ganitong sintomas, isulat lahat sa isang papel ang mga posibilidad na rason kung bakit biglang bumagsak ang iyong timbang. Gaya ng pagkalason, irregular na menstruation at iba pa. Ipakonsulto ito sa doktor upang makasigurado.

2. Madalas na pagkakasakit

- Kung ikaw ang uri ng tao na hindi naman madalas nag kakasakit at biglaan ka na lang na nagkasakit kagaya ng ubo, sipon at lagnat kung saan mapapansin mo na nagiging madalas na ito, kumonsulta kana sa doctor. Maaaring epekto ito ng c(a)ncer na kung saan pinahihina nito ang immune system ng iyong katawan kaya madalas kang nagkakaroon ng sakit. 

3. Pananakit ng Katawan


⁃ Kapagka nakakaranas ka ng madalas na pananakit ng katawan sa mga parteng dibdib, balikat, likod at puson maaaring resulta ito ng lumalaking tumor sa iyong baga na nag bibigay ng dahilan para sumakit ang mga ito sa kadahilanang naiipit nito ang ibat ibang organs ng iyong katawan habang palaki ng palaki ang tumor.

4. Sumasakit na mga kuko


⁃ Kapagka ikaw ay may lung c(a)ncer, nag lalabas ang iyong katawan ng ibat ibang uri ng mga kemikal na kung saan dumadaloy ito sa iyong buong katawan sa pamamagitan ng iyong dugo na nag reresulta sa pag sakit at pamamaga ng iyong mga kuko at daliri. 

5. Pagkapaos 

⁃ Maaari ding isang early symptom ang pagkapaos lalo na kung may kaakibat itong matinding ubo na may kasabay na dugo sa plema. 50% na posibilidad nito ay lung c(a)ncer ang isang tao.


6. Hirap sa Paghinga 

⁃ Madalas itong napapagkamalan na dahil lamang ito sa katandaan lalo sa mga kababaihan. Ngunit ang hirap sa pag hinga ay madalas na dahilan ng sakit na “Adenocarcinoma” isang uri ng lung c(a)ncer na kung saan ay madalas na nakikita sa mga kababaihan. 

7. Paglaki ng Dibdib sa mga lalaki 

⁃ Hindi pangkaraniwan ang pag kakaroon ng malaking dibdib sa mga kalalakihan. Lumalaki ang dibdib sa kadahilanang nag lalabas ng ibat ibang Hormones ang katawan , kagaya ng Protein at iba pa na dumadaloy sa buong dugo at ugat ng ating katawan. 


Ilan lamang ito sa mga pangunahing sintomas ng Lung C(a)ncer. Kaya kung ikaw ay may napapansin na may biglaang pag babago sa iyong katawan wag mag-atubiling kumonsulta sa mga espesyalista. Mas maaga na ma-Diagnose na ikaw ay may ganitong kondisyon mas malaki ang chance of survival.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...