Skip to main content

Masakit na Puson Kahit Walang Period? Narito ang Ilang Posibleng Dahilan Niyan






Ang pananakit ng puson at balakang ay normal lamang sa tuwing darating o kasalukuyang may buwanang dalaw. Karaniwan na itong nararanasan ng mga kababaihan. Ngunit paminsan-minsan may mga pagkakataon na nakararanas ng pananakit at pagkirot ng puson kahit na hindi pa panahon ng pagdating ng kanilang buwanang dalaw. Ano nga ba ang posibleng rason?


Narito ang mga posibleng kadahilanan:

1. Inflammatory bowel disease


Ito ay isang karamdaman na nauugnay sa malalang implamasyon ng sistemang panunaw. Pinaniniwalaan na sanhi ito na may kaugnayan sa pagdiyeta at lebel ng stress. At ang sintomas nito ay maaaring banayad lamang o di kaya hanggang sa umabot ito sa malubhang karamdaman. Maihahalintulad rin ito sa karamdamang Crohn's at ulcerative colitis. Gayunpaman, sa halos lahat ng oras ay maaaring magdusa ang isang tao sa pamamagitan ng pagtatae, pananakit ng tiyan at pagkirot.

2. Maaring bukol sa obaryo


Ang bukol sa obaryo ay isang sac sa loob ng obaryo na may lamang fluid o may sangkap na gas o di kaya likido. Kapag ang cyst o bukol ay nagsimulang lumaki at masira maaaring dumanas ng pagkirot at pagsakit sa ibabang bahagi ng tiyan o sa puson. Idagdag pa ang kawalan ng kaginhawaan.

3. Endometriosis


Isang medikal na kondisyon ang endometriosis na nangyayari kapag ang tissue na katulad sa lining ng matris ay lumaki sa labas ng matris. Itong tissue na ito ay tumutugon sa dami ng hormone o di kaya nagpapababa ng dami at nagpapadugo tulad sa tissue ng matris. Idadag pa na itong tissue ay hindi naitatapon ng katawan at nagdudulot pa ng sugat. Gayon ito ang dahilan kung bakit nakakaranas ng pagkirot, pamamaga at pananakit na katulad sa pagdating ng period at kasalukuyang buwang dalaw.

4. K(a)nser sa matris

Ito ang isang uri ng k(a)nser na nakakatakot para sa mga kababaihan. Maraming mga taong sumasakabilang buhay dahil rito. Hindi katulad ng ibang mga karamdaman na agad makikita ang kaniyang sintomas. Ngunit ayon sa American C(a)nser Society maaaring ang ilang sintomas nito ay ang pagkaramdam ng pananakit sa tiyan, pagsusuka, biglang pagbaba ng timbang at impeksyon sa ihi. Kung nakakaranas ng mga ganitong pakiramdam mas mainam na magpakonsulta sa doktor lalo na kung hindi pa dinadatnan sa loob ng tatlong buwan o iregular na dalaw.

5. Ectopic Pregnancy




Tinatawag na ectopic pregnancy ang pagbubuntis kapag ang bata ay hindi nabuo sa loob ng bahay bata. Kung manyari ito sa iyo maaaring makaramdam ng mild na pagkirot ng puson, biglaang sakit sa tiyan, balakang, balikat, leeg at matinding kirot at sakit sa isang gilid ng tiyan.

5. Appendicitis


Ang karamdamang ito ay ang pamamaga ng appendix. Nangyayari sa tuwing ang appendix ay naka-block o may nakabara madalas sa pamamagitan ng dumi, mga hindi dapat na nasa loob pa ng katawan at maaaring dahil sa k(a)nser. Isa sa mga normal at karaniwang nararamdaman ng mga taong nagkakaroon nito ay ang paminsan-minsang pagsakit ng tiyan at pagkirot hanggang sa tumaas ang lebel ng pagsakit at pagkirot.

6. Lactose Intolerance


Problema ito sa panunaw na kung saan ang katawan ay hindi maka-digest ng lactose. At ito ay isang uri ng asukal na matatagpuan mula sa gatas at mga produktong gawa sa gatas. Kung ikaw ay may lactose intolerance ay makakaranas ng pananakit sa tiyan, pagsusuka at pagtatae. Maaaring magtagal ang sintomas sa loob ng tatlumpong minuto hanggang dalawang oras matapos kumain ng mga produktong gawa sa gatas.

Comments

  1. Panu po kung may paninigas sa puson,, at pqglqki ng tiyan kaysa sa normal,, at may pumipitik,, at delayed 2 months npo,, pero walng sintomas ng pag bubuntis,, posible bng buntis? At naninigas nba ang puson at at pumipitik qt early 2 months?

    ReplyDelete
  2. Paano naman po yung sakin. Parang may nakabara po sa puson ko kase po kada iihin po ako masakit po siya. Tapos ihi po ako ng ihi.

    ReplyDelete
  3. Sumasakit po yung puson ko paminsan minsan pati na yung balakang ko..kaninang madaling araw po ang sakit ng pus on at balakang ko sobrang sakit po..nilagyan ko po ng omega pain killer yung balakang at pus on ko in just 1 minute nawala yung sakit po.

    ReplyDelete
  4. Ako po ay minsan pinapawisan dahil po sa sobrang skit ng tiyan at nag tatae minsan na akong hinimatay halos buwan buwan po sumasakit at namimilipit ako at natatae laĺ na po pag malapit na ang Regla ko. Ano po ang mga dapat Kong gawin?
    Thank you so much.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...