Pag-Lunok ng Isang Kapirasong Bawang Tuwing Umaga , Nakakatulong Ma-control ang Presyon at Ibang Karamdaman
Ang bawang ay sikat na pampalasa sa mga lutuin ngunit ito ay ginagamit rin sa medisina mula pa noong unang panahon. Matagal nang napatunayan na ito ay epektibong pangontra sa iba’t-ibang mga karamdaman at panlunas sa ilan sa mga ito.
Sa kasalukuyan ay sinasabing mas epektibo ito kapag kinunsumo ng hilaw habang wala pang laman ang tiyan.
Paano ito ikokonsumo?
Ang pag inom ng isang kapirasong bawang tuwing umaga bago kumain ng almusal ay ang epektibong paraan para makuha ang benepisyo nito.
Ito ang benefits ng paginom ng isang pirasong bawang:
1. Nakakatulong sa pagkontrol ng blood pressure
• Marami ang nagsasabing malaki ang naitutulong ng bawang sa mga taong may altapresyon. Ayon sa mga pag-aaral ay napapataas ng bawang ang nitric oxide ng katawan, ito ang tumutulong upang maging relaxed ang smooth muscles at mag-dilate ang blood vessels, kaya naiiwasan ang pagtaas ng presyon ng ating dugo.
2. Panlunas sa mga problema sa tiyan
• Mainam sa digestion ang bawang at nakakapagpadagdag rin ito ng gana sa pagkain. Maigi rin itong panlunas sa nerbiyos, stress at napapakalma nito ang sikmura natin tuwing tayo ay inaatake ng matinding kaba.
3. Pang-alis ng toxins sa katawan
• Ang bawang ay may sulfhydryl compound na tumutulong upang alisin ang mga toxins natin sa katawan. Maiging kainin ito tuwing bloated ang pakiramdam, halimbawa ay kung napakain ng marami kagabi sa hapunan ay magandang kumain ng hilaw na bawang pagkagising mismo sa umaga para malinis ang tiyan. Maliban dito ay epektibo rin ito upang maalis ang mga parasite at bulate sa tiyan.
4. Natural na antibiotic
• Ang bawang ay kilalang natural na may antibiotic at anti-fungal na mga katangian, ngunit mas malakas ang epekto nito kapag walang laman ang tiyan dahil ang mga mikrobyo ay walang mapapagtaguan kaya walang magiging laban ang mga ito.
5. Tumutulong malunasan ang tuberculosis
• Ang pagkain ng isang buong bulb ng bawang araw-araw ay sinasabing makakatulong sa mga taong may TB. Hati-hatiin ang bawang at gawan ng paraan upang makunsumo ito sa loob ng buong araw.
6. Panlunas sa hika
• Ang asthma o hika ay isang inflammatory na s(a)kit at ang bawang naman ay may anti-inflammatory na katangian kaya maigi itong panlaban rito. Ayon pa sa ibang mga pagsusuri ay kaya nitong tuluyang magamot ang hika kalaunan.
Sa ngayon ay madalas nang ilagay ang bawang sa mga salad dahil napatunayan na ito ay mas epektibo kapag hindi iniluto.
Kung kayang kainin ang bawang ng walang problema ay maigi pero sa mga hindi gusto ang lasa nito ay pwedeng sundin ang paraang ito:
• Siguruhin na sariwa ang bawang
• Kumuha ng isa at maingat itong balatan
• Hatiin ang bawang at ilagay ang kalahati sa refrigerator
• Hatiin ito ng mas maliliit pa at isubo
Comments
Post a Comment