Ang kape ay naging parte na ng almusal ng karamihan at may ilan pa nga na iritable kapag hindi nakakainom nito sa umaga o sa loob ng isang araw. Maraming magandang benepisyo ang maaaring makuha sa kape ngunit gaya ng lahat ng bagay, ang sobrang pagkunsumo nito ay may mga hindi magandang epekto sa katawan. Narito ang 6 na senyales na labis-labis na ang pag-inom ng kape:
1. Pagkahapo kinabukasan matapos uminom ng kape
• Karaniwan ay nakakabuhay ng pakiramdam ang pag-inom ng kape dahil sa taglay nitong caffeine, ngunit mararamdaman natin ang pagod pagkalipas ng ilang sandali dahil ang adenosine natin sa katawan ay tumataas at biglaang bumababa. Maaaring hindi makaramdam ng pagod sa buong araw kung paulit-ulit kang iinom ng kape ngunit kapag nakatulog ka at nagising kinabukasan, doon mo lamang mararamdaman ang labis na pagkapagod.
2. Nakakaranas ng insomnia
• Madalas inumin ito ng mga taong lubhang abala sa kanilang mga trabaho at sa mga kailangang magpuyat. Kaya nitong magpanatiling gising ang taong uminom nito ngunit kapag sobra na sa kape ay maaari na nito tuluyang maapektuhan ang pagtulog. Pwedeng mabawasan ang oras ng pagtulog at dahil diyan ay makakaramdam ng pagod ang sino man bago pa man magsimula ang kanilang araw.
3. Pagiging nerbyoso
• Sa pamamagitan ng panghaharang sa adenosine, ang kemikal na nagpapaantok sa ating katawan, ay maaaring mapanatili ang pagiging alerto. Pinapataas ng kape ang lebel ng adrenaline sa ating katawan at kapag sumobra rito ay pwede itong mauwi sa nerbiyos. Maaari itong makaapekto sa ating kilos kaya kung mayroon ng senyales ng anxiety at nerbiyos ay nararapat na bawasan ang pag-inom ng kape.
4. Mabilis na pagtibok ng puso
• May mga taong nakakaramdam ng pagbilis ng kanilang puso matapos nilang uminom ng maraming kape. Hindi lahat ay nakakaranas nito ngunit karaniwan na ito sa mga nasa murang edad. Caffeine ang salarin rito kaya hindi ipinapayo ng mga eksperto ang pag-inom ng kape sa mga bata, sa mga taong may altapresyon at sa mga may karamdaman sa puso.
5. Problema sa tiyan
• Ang kape ay may kakayahan na magpabilis ng metabolismo ng tao kaya ang labis-labis na pagkunsumo nito ay pwedeng mauwi sa diarrhea. Pwede rin itong magsanhi ng gastro-esophageal reflux disease o GERD kaya naman kung nakakaranas ng problema sa tiyan ay mainam na iwasan o bawasan ang pag-inom nito.
6. Mabilis na metabolismo at adiksyon sa kape
Comments
Post a Comment