Ang sampaloc ay isa sa mga bunga na ginagamit sa napakaraming paraan. Maaari itong gamitin sa pagluluto, sawsawan, kendi at kung anu-ano pa. Ang dahon nito ay nagtataglay ng medisinal na kakayahan na maaaring gamiting panggamot sa iba't ibang mga karamdaman.
Narito at alamin ang mga benepisyong hatid nito at baka sakaling makatulong ito sa iyong nararamdaman kondisyon.
1. Para sa lagnat
Ang dahon ng sampaloc ay ginagamit noon bilang isang herbal remedy at ginagawang tsaa upang ipainom sa mga taong nakakaranas ng lagnat. Ito kasi ay mayaman sa bitama C na makakatulong upang mapalakas ang resistensya at malabanan ang sak!t. Maaari ring ipampunas ang pinaglagaang dahon ng sampaloc sa taong may lagnat upang mapababa ang temperatura nito.
2. Para sa ubo, at sore throat
Maaari rin itong gawing tsaa upang inumin ng mga taong nakakaranas ng dry cough at makating lalamunan. Magpakulo lamang ng tinadtad na dahon ng sampaloc sa tubig, magdagdag ng honey at kung nais ay maaari ring magpisil ng kalamansi saka inumin.
3. Mabilis na panghilom sa sugat
Katulad ng dahon ng bayabas, ang dahon ng sampaloc ay mayroong ding antiseptic properties na makakatulong sa mabilis na paghilom ng sugat at imp*ksyon sa balat. Ibabad at pakuluin ang mga dahon at saka gamitin itong panlanggas sa sugat.
4. Pamamaga ng mga kasu-kasuan
Nagtataglay ito ng kakayahang pahupain ang implamasyon sa mga kasu-kasuaan at pagmamanas ng paa. Magdikdik lamang ng dahon ng sampaloc at maaari itong ipantapal sa sumasak!t o nagmamanas na kasu-kasuan.
5. Rayuma
Isa sa mga hindi komportableng pakiramdam ang pagsumpong ng iyong rayuma. Para mabawasan ang pananak!t nito ay itapal ang dinurog na murang dahon ng sampaloc sa parte ng iyong katawan na nirarayuma.
6. Madalas na pagdumi
Kung nakakaranas ng pagtatae ay maaaring inumin ang katas ng dahon ng sampaloc.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment