Minsan hindi maiwasan na sumakit ang ating lalamunan dahil sa sobrang pag-inom ng mainit at malamig na inumin. Maaaring dahil rin sa ating kinain na nagpairita nito o di kaya naman sa sobrang matatamis na pagkain. Ngunit ang pagkaramdam ng hapdi o burn sensation sa lalamunan ay huwag katakutan dahil madali lamang na malunasan ang sintomas na ito sa natural na paraan. Isang pinakamabisang paraan para dito ay ang pag-inom ng maraming tubig at pahinga.
Subalit alam niyo ba na mayroong ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng lalamunan ang isang tao bukod sa paginom ng malamig? Narito ang ilang rason na posibleng sanhi ng pananakit ng lalamunan.
1. Common cold
Ang pagkakaroon ng sipon ay pangkaraniwang karamdaman lamang. Kahit ano man iwas natin kung minsan ay hindi pa rin maiwasan na tamaan nito. Ngunit hindi naman nakababahala ang karamdaman na ito dahil sa loob ng isang taon dalawa o hanggang tatlong beses magkaroon nito ang mga matatanda. At ang iba pang sintomas ng common cold ay ang biglaang pagtulo ng sipon o di kaya baradong ilong, pagbahing, pananakit ng ulo, katawan at mababang lagnat. Kung minsan kasabay pa nito ang lagnat at ubo.
2. Postnasal Drip
Ang kondisyon na ito ay ang hindi normal na paglabas ng sipon sa ating ilong kung saan ang normal na linya ng mucus ay pabaliktad na dadaloy sa likod ng ating lalamunan. Gayon nagiging sanhi ito ng pag-ubo, iritasyon at burning sensation sa lalamunan. Ilang pangunahing sanhi ng postnasal drip ay viral na impeksyon, allergy at impeksyon sa sinus.
3. Viral Infection
Pinaka-karaniwang sanhi ng burn sensation na nararamdaman sa inyong lalamunan ay ang viral impeksyon kung saan nagdudulot ng pananakit sa katawan, pamamaga ng kulani sa leeg, puting marka sa tonsils, ubo, sipon, pamamaos at pagatatae. Ang mga ito ay madaling magamot sa pamamagitan ng pagpapahinga at pag-inom ng mga natural na remedyo.
4. Acid Reflux
Pangunahing sintomas ng acid reflux ang heartburn na nauugnay sa pagtaas ng acid na mula sa tiyan patungo sa ating lalamunan. Ang acid na ito ay nagdudulot din ng mahapding sensation sa lalamunan at dibdib. Naghahatid rin ito ng maasim o mapait na lasa sa ating lalamunan at bibig. Idagdag pa ang pagkakairita ng lalaman, pag-ubo, pagkapaos at sobrang plema sa lalamunan.
5. Implamasyon sa lalamunan
Esophagitis ang tawag sa kondisyong ito na may kaugnayan sa implamasyon ng daluyan sa ating lalamunan. At ang tubo na ito ay siyang nagdadala ng ating kinakain patungo sa tiyan. Maaaring magdulot ng kahirapan sa paglunok, ulcer at sugat sa lalamunan kung mapapabayaan.
6. Burning mouth syndrome
Sa karamdaman na ito ay makakaramdam ng mainit na likido sa loob ng bibig, pananakit at kiliti na maaaring maranasan araw-araw o di kaya naman maaaring umabot ng buwan. Nagiging sanhi ito dahil sa pagkakaroon ng problema sa mga ugat at panunuyo ng bibig. Ang hapding dulot nito ay mararamdaman sa inyong labi, dila, pisngi at gilagid. Idagdag pa ang madalas na pagkauhaw, kawalan ng lasa at mapait o di kaya metal na lasa sa loob ng bibig.
Ano ang remedyo para maibsan ang pananakit ng lalamunan?
-Uminom ng maligamgam na inumin tulad ng kape, soup at tsaa na may honey.
-Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw.
-Huwag kakaligtaan na uminom ng sapat na dami ng tubig.
-Kung madalas naka aircon ay bumili ng air humidifier upang maging moist ang hangin sa loob ng inyong kwarto para hindi mag-dry ang inyong lalamunan na siyang maaaring pagsimulan ng pananakit nito.
-Maglagay ng panyo sa inyong leeg upang maginhawan ang pakiramdam.
Comments
Post a Comment