Saan man sulok ng Pilipinas magpunta ay makakakita ka ng tanim na sampalok. Ang bunga nito ay kilala sa kaniyang maasim na lasa na ginagamit pampa-asim sa ating mga ulam.
Ngunit kung hinog ay maaaring maging matamis ang lasa nito at maaaring kainin ito o gawing isang candy. May handog na benepisyal ang prutas sa ating kalusugan na hitik sa nilalaman na bitamina, iron at minerals.
Alam niyo ba na ang simpleng bunga ng sampaloc ay punong puno pala ng health benefits?Nagtataglay ito ng mga sumusunod:
-Vitamin C
-Tartic Acid
-Antiseptic
-Astrigents
-Cathartic
-Iron
-Calcium
-Fiber
-Potassium
Ang pagkain ng sampaloc o paghalo nito sa ating ulam ay isang magandang paraan upang makuha ang mga benepisyo nito. Narito ang ilang magandang dulot ng Sampaloc sa ating kalusugan na hindi alam ng karamihan:
1. Mabilis na paggaling ng sugat
Ang dahon ng sampalok ay may tinataglay na antiseptic nilalaman kung saan makatutulong ito sa pag-galing ng sugat at impeksyon sa balat. Kaya naman sa simpleng paraan na pagpahid sa dinurog na dahon ng sampalok sa apektadong parte ng balat ay malulunasan na ang iyong problema. Bukod pa nagtataglay ito ng anti-inflammatory na benepisyal para sa pananakit ng kasukasuan, implamasyon at pamamaga.
2. Benepisyal sa mga taong may diabetes
Ang diabetes ay may dalawang uri ito ang hindi paggawa ng ating katawan ng insulin at hindi paggawa ng tamang dami ng insulin para sa wastong paggana. At ayon sa mga paunang ebidensya nirerecomenda ang prutas ng sampalok at dahon nito para sa benepisyal na epekto sa mga taong may diabetes. Sa pamamagitan ng pag-inom sa pinakuluang dahon ng sampalok makokontrol ang antas na lebel ng asukal sa dugo at ang pagtaas ng sensitibidad ng insulin.
3. Maibsan ang pananakit ng ngipin
Sa araw-araw na pagharap sa iba't ibang mga tao pinangangalagan natin na mabango at maayos ang ating mga ngipin. Gayon ito ang pangunahing problema sa ating oral health. Kaya naman mabuting panlunas ang dahon ng sampalok sa problemang ito.
4. Nakakatulong mabawasan ang pananakit ng puson
Karaniwang sintomas na ang pananakit ng puson sa mga kababaihan tuwing bago dumating at kasalukuyan ng buwanang dalaw. Ngunit sa tulong pag-inom sa katas ng dahong sampalok ay maiibsan ang sintomas na nararamdaman. Durugin at pigain ang dahon upang lumabas ang katas hanggang sa makagawa ng isang kutsarita. Inumin ito at sabayan ng isang basong tubig para makonsumo ang benepisyong taglay. Idagdag pa ang kayayahan na malunasan ang ulcers at maginhawaan sa sintomas na dulot nito.
5. Helpful sa taong may dengue o malaria
Ito ang karamdaman na maaaring maging sanhi ng pagkasabilang buhay kung hindi maagapan. At ang karamdaman na ito ay nakukuha mula sa kagat ng babaeng lamok na nagdadala ng sak!t. Ngunit may magandang hatid ang dahon ng sampalok na makatutulong upang guminhawa ang pakiramdam dulot ng malaria at mapigilan ang paglaganap ng plasmodium falciparum sa ating katawan at nakakapagpababa ito ng lagnat ng isang taong may malaria o dengue.
Comments
Post a Comment