Ang Guyabano ang sinasabing may pinakamabisang properties na nakakatulong pang iwas ng k(a)nser. Ang bunga nito ay kilala bilang mayaman sa nilalaman na bitamina at benepisyal para sa ating katawan. Ngunit hindi lamang dito nagtatapos ang kaniyang magandang hatid dahil pati ang kaniyang dahon ay napakabenepisyal rin para sa atin kung saan maaari itong gamiting panlunas sa mga karamdaman o di kaya maiwasan ang panganib sa ating kalusugan.
Sa pamamaraan na paglaga sa dahon ng guyabano at pag-inom nito araw-araw ay makukuha ang mga benepisyong ito lalo na upang makaiwas sa k(a)nser.
Bukod sa ganitonb benepisyo, alam niyo ba na ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahong guyabano ay benepisyal sa ibang karamdaman? Narito kung ano ang naitutulong nito:
1. Mapababa ang lebel ng asukal sa dugo
Karaniwan na lamang na naririnig at nararanasan ang karamdaman na ito dahil sa kawalan ng kontrol sa pagkain ng mga tao o di kaya naman dahil sa hindi wastong diyeta. Ngunit maraming mga herbal na medisina ang maaaring makatulong sa pagbaba ng asukal sa dugo tulad na lamang ng pag-inom sa dahon ng guyabano. Gayunpaman kailangan pa rin ng wastong pagdiyeta upang bumuti ang kalusugan.
2. Mapalakas ang immune system
Ang pag-inom ng tsaang guyabano araw-araw ay nakapagpapalakas ng ating immune system. Katulad ng bunga nito ay mayaman rin sa nilalaman na Vitamin C at antioxidants ang dahon ng guyabano kung saan may kakayahang protektahan o labanan ang masamang epekto ng free radicals sa ating katawan na nagdudulot ng problema sa ating kalusugan.
3. Panlunas ng problema sa atay
Isa ang atay sa maaaring maapektuhan na organ sa ating katawan kapag nagkaroon ng diabetes ang isang tao. Ngunit sa tulong ng pag-inom sa tsaa ng guyabano ay mapapabuti ang kalagayan ng iyong atay. Gayon rin ang mapabuti ang produksyon ng insulin at antioxidants sa ating katawan upang makontrol ang blood sugar.
4. Mabuti para sa ating utak
Sa bilis ng pagbabago ng pamumuhay sa panahon ngayon ay nakapagdudulot ito ng emotional distress sa mga tao. Ang pangunahing sanhi ng stress at anxiety ng isang tao ay dahil sa trabaho at pera.
Ngunit gayon pa man madali lamang malunasan at magamot ang mga problemang psychological. Bukod pa ang dahon ng guyabano ay makatutulong sa iyo upang mapakalma ang katawan at kaisipan. Kaya naman kung gusto mong marelax sa mga isiping bagay ay uminom na ng tsaang guyabano.
5. Nakakatulong luminis ang digestive system
Naglalaman ng mataas na lebel ng vitamin C, fiber at mga active subtances ang dahon ng Guyabano. Gayon ang mga ito ang kailangan upang regular na mailabas ang mga dumi sa ating katawan. Kung saan ang paraan na ito ay nakabubuti para sa kalusugan dahil ang kahirapan sa pagdumi ay hindi nakabubuti sa atin nagdudulot ito ng masamang epekto at karamdaman.
6. Para sa kalusugan ng puso
May benepisyal na hatid rin ito para sa ating puso upang mapalakas ang paggana nito at maprotektahan laban sa karamdaman. Ang kakayahan rin nito na mapabuti ang ating panunaw ay naghahatid ng magandang epekto sa ating puso na mawala ang heart stress. Pinatitili rin nito ang magandang daloy ng dugo sa ating katawan.
7. Maibsan ang gout arthritis
Dahil sa nilalaman na anti-inflmmatory ng dahon ng Guyabano ay matutulungan kumalma ang katawan at malunasan ang gout at arthritis. Pangunahing kadahilan kaya nagkakaroon ng ganitong kondisyon ang isang tao ay dahil sa kawalan ng kakayahan ng kidney na masala at malinisan ang mga purine subtance na mula sa agos ng dugo. Gayon nagreresulta naman ito ng pananakit sa parte ng katawan o kasukasuan.
Ngunit sa tulong ng pag-inom sa guyabano tea ay maiibsan ang sintomas na nararanasan at maaalis pa ang mga subtance na hindi kailangan sa inyong katawan.
Comments
Post a Comment