Sa panahon natin ngayon, naging esensyal na sa ating pang-araw araw ang pagdadala ng mga hand sanitizers o alcoh0l sa ating bag. Karamihan na rin sa mga supermarkets at grocery stores ang nauubusan ng mga stocks dahil mataas na ang demand ng mga tao lalo na't kasalukuyan nararanasan ng buong mundo ang sak!t na coronav!rus o CoVid-19.
Alam ng karamihan na ang paggamit ng rubbing alcoh0l ang pinakamadaling paraan upang mapuksa ang mga bakterya sa ating kamay. Ngunit mainam pa rin na magdisinfect ng mga bagay lalo na sa ating mga tahanan upang maiwasan na rin ang pagkalat ng mga sak!t.
Narito ang ilang mga alternatibong maaaring gamiting disinfectants.
1. Sabon at tubig
Payo ng mga health experts na ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay ay malaki ang maitutulong sa ating kalusugan laban sa mga sak!t na dulot ng v!rus at bakterya. Ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon ay makakatulong upang matanggal ang mga mikrobyong kumapit sa kamay bago pa ito makapasok sa iyong katawan. Ito ang pinakasimpleng paraan ngunit hindi ginagawa ng karamihan.
2. Bleach
Ang bleach ay isang mabisa ring disinfectant. Mataas ang konsentrasyon nito kaya naman maganda itong gamiting pamuksa sa mga mikrobyo lalo na sa mga surfaces tulad ng sahig, banyo, doorknobs at iba pa. Ang downside lang sa produktong ito ay mayroon itong matapang na amoy, ngunit mayroon na ring mga bleach products na hindi ganoon kasangsang.
Tandaan lamang na kapag gagamitin ito bilang disinfectant ay magsuot ng gloves upang maprotektahan ang balat laban sa matapang na kemikal. At maaaring ma-sira ang pintura ng mga bagay kung nalagyan nito.
Maghalo lamang ng 2 kutsarang bleach sa 1 litrong tubig upang magamit bilang disinfectant.
3. Hydrogen Peroxide
Ginagamit ang hydrogen peroxide o kilala ring agua oxigenada bilang pang-disinfect sa mga sugat. Ito kasi ay mayroong antiseptic at disinfectant properties. Hindi nga lang ito kasing tapang ng bleach at maaaring makapagdulot ng discoloration sa mga tela.
4. Disinfectant spray
Ang mga disinfectant sprays tulad ng Lysol ay nakakatulong upang mabawasan ang mga bakterya at v!rus sa hangin. Safe din itong gamitin sa mga tahanan at opisina dahil nakaka-sanitize rin ito at nakakapagpawala ng masangsang na amoy.
5. Disinfecting wipes
Katulad ng disinfectant sprays, mabisa ring gamiting bilang pantanggal mikrobyo sa mga bagay bagay ang mga disinfectant wipes. Maaari itong ipang punas sa mga surfaces upang matanggal ang dumi at masanitize ito. Pwede rin itong madala kapag nag-tatravel.
6. Alcoh0l
Ang mga rubbing alc0hol na 70% ay epektibong pamuksa sa mga v!rus at bakterya. Tiyak na mas mild ito sa bleach dahil safe ito sa balat. Maaari ring itong gamiting pampunas sa mga surfaces ngunit pwede rin itong magdulot ng discoloration sa mga bagay na gawa sa kahoy at plastic.
Comments
Post a Comment