May mga panahon na napakahirap nga naman talagang maghanap ng eksaktong sukat ng sapatos para sa ating paa kaya naman kadalasan ay kahit medyo maluwag o medyo masikip ang sapatos ay pilit pa rin natin itong binibili at pilit na ipinagkakasya sa ating paa.
Subalit alam niyo ba na may kaakibat na epekto pala ito hindi lamang sa ating mga paa kung hindi na rin sa iba't ibang parte ng ating katawan.
Kung pananatilihin ang pagsusuot ng masikip at maluwang na sapatos ito ang sumusunod na maaaring mangyari sa iyo.
1. Mas mataas ang tyansang masugatan
Dahil sa hindi kasukat ng iyong paa ang binili mong sapatos, mas mataas ang tyansa na masugatan ang iyong mga daliri sa paa at may posibilidad na magkaroon ng kalyo.
Hindi ito makakabuti lalong lalo na sa mga may Diabetes dahil sa oras na ang kanilang mga paa ay masugatan, mahihirapan itong maghilom dahil sa negatibong epekto ng diabetes.
2. Mataas ang tyansang magkaroon ng pilay
May posibilidad na tumagilid ang ating paa sa pagsuot ng maluwag na sapatos na siyang magdudulot ng pilay sa ating buto. Ang pagsuot ng masikip na sapatos naman ay posibleng magdulot ng trauma sa mga buto sa ating daliri na siyang nagiging sanhi kung bakit nagiiba ang porma ng ating mga daliri at kuko sa paa.
3. Alipunga
Ang mga taong nagsusuot ng masikip na sapatos ay karaniwan na nagkakaroon ng alipunga dahil mas mabilis na mainitan ang ating paa kung saan nagdudulot ng pagbasa nito.
4. Napipigilan ang paglaki ng paa lalo na sa mga bata
Sa makalumang kaugalian ng bansang china ginagamitan nila ng panali ang paa ng mga sanggol upang hindi ito lumaki hanggang sa kanilang pagtanda. Ngunit ang kaugaliang ito ay hindi nakabubuti para sa kalagayan ng kanilang paa dahil maaaring mapigilan ang nararapat na sukat ng kanilang paa, mahirapan sa paglalakad at mapilayan.
Kaya huwag pilitin na ipasuot sa mga bata ang nakalakihan ng sapatos dahil posibleng hindi ito lumaki ng tama.
5. Mababago ang posture
Kung ang iyong sapatos ay mas malaki kumpara sa natural na sukat ng iyong paa ay kailangan mong baguhin ang iyong lakad upang hindi mahubad ang sapatos sa iyo. Kaya naman mababago nito ang iyong postura na siyang kadalasan na nagsasanhi ng pangit na posture.
Comments
Post a Comment